Binay nag-alok kay Duterte ng libreng psych test sa Makati | Bandera

Binay nag-alok kay Duterte ng libreng psych test sa Makati

|April 22,2016
facebook
share this

Binay nag-alok kay Duterte ng libreng psych test sa Makati

- April 22, 2016 - 03:38 PM

jejomar binay
HINAMON ni Vice President Jejomar Binay si Davao City Mayor Rodrigo Duterte na sumailalim sa psychological at physical exam sa Makati na kung saan ipinagmalaki niya na libre at may kalidad ang serbisyong medikal sa lungsod.

Idinagdag ni Binay na dapat nang magpasuri si Duterte na ayon sa kanya ay nakakaapekto na sa alkalde ang stress sa pangangampanya.

Sa isang pahayag, sinabi ni Binay na nagbigay siya ng payo kahit pa sa kanyang mga kaaway sa politika.

“Hinihikayat ko si Mister Duterte na magpatingin na agad sa psychiatrist. Mukhang sobra na siyang naaapektuhan ng stress sa kampanya,” sabi ni Binay.

Nauna nang tinawag ni Binay si Duterte na abnormal at may sira sa pag-iisip matapos naman ang kanyang kontrobersiyal na rape joke kaugnay ng panggagahasa sa isang Australyana.

“I also urge him to undergo as well a full physical examination. Siya mismo ang nagsabi na siya ay may malubhang sakit, at ayaw natin na may masamang mangyari sa kanya… I invite Mister Duterte to avail of these healthcare services for free in Makati,” ayon pa kay Binay.

Sinabi pa ni Binay na dahil sa problema ni Duterte sa pag-iisip, puro negatibo ang kanyang reaksyon sa mga kritisismo laban sa kanya.

“No God-fearing person wishes harm on another person, even his political enemies,” giit ni Binay.

Binatikos ni Binay si Duterte matapos sabihing karapatan niya na magbiro kahit pa ang isyu ay tungkol sa rape.

“May kalayaan daw siyang insultuhin ang kababaihan at pagtawanan ang panggagahasa. Anong klaseng salita ‘yan,” paliwanag pa ni Binay.

Sinabi pa ni Binay na may problema sa pag-iisip ni Duterte matapos namang suportahan ang ginagawang pagpatay ng tinaguriang Davao Death Squad sa Davao City.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending