Dinala na pala ni Ara Mina sa Department of Justice ang kasong libel na isinampa niya laban kay Cristine Reyes.
Wala pang desisyon ang Quezon City Prosecutor’s Office sa nasabing kaso pero nagdesisyon na si Ara na ipaabot na ito sa DOJ.
Hinihintay na lang daw nila ang counter-affidavit ni Cristine para malaman kung aakyat ang kaso sa korte.
Ayon kay Ara may mga naririnig siyang mga kuwento mula sa kampo ng kapatid, pero ayaw na lang daw niyang magsalita tungkol dito.
“Wala, e, may mga tsismis, pero mahirap nang magsalita.
Meron kaming nababalitaan na parang…mahirap lang sabihin, e.
Kasi hindi pa pala malinis sa atin,” anito.
Sabi pa ni Ara hindi na siya umaasa na magkakaayos pa sila ni Cristine.
“Hindi ko alam kung maibabalik pa yung dati. Hindi ko na kasi nararamdaman yung pagiging kapatid ko at ang pagiging kapatid niya sa akin.
Mabuti pa nga ang ibang tao, mas nararamdaman ko pa ang pagiging ate mo.
“Ang weird ng feeling.
Kapag ganu’n pala na sobrang mahal mo yung tao, kapag masaktan ka nang husto, hindi na pala kayang ibalik yung dati.
Parang umaano na lang yung salitang kapatid kami, ‘yun na lang ang nag-uugnay.
Wala, e, wala na talaga akong nararamdaman,” dagdag pa ni Ara.
Dinenay naman ni Ara na nagpakasal na sila ni Bulacan Mayor Patrick Meneses.
Hindi raw totoo na sa Hong Kong pa sila nagpakasal, “That’s not true.
Sumabay lang kami ng bakasyon sa brother niya at sa girlfriend ng brother niya.
Parang ‘yun na ‘yung gift niya sa akin.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.