2 beking kapatid ni Vice napilit ng ABS-CBN na magpainterbyu

By Alex Brosas April 22,2016
share this

2 beking kapatid ni Vice napilit ng ABS-CBN na magpainterbyu

By Alex Brosas April 22,2016
share this
VICE GANDA

VICE GANDA

WAGING-wagi ang pinakabagong morning show ng ABS-CBN, ang Magandang Buhay na tinatampukan nina Karla Estrada, Melai Cantiveros at Jolina Magdangal. Pinag-uusapan. Top trending at nagtala ito ng mataas ng rating sa unang linggo nito.

Nagsimula itong umere no’ng Monday with Kathryn Bernardo at Daniel Padilla as guests. At tulad ng inaasahan, may mga rebelasyon sa pag-iibigan nina Kathryn at Daniel. Punumpuno ng kilig ang naturang episode.

No’ng Tuesday naman, ang phenomenal star na si Vice Ganda ang special guest. Nailahad dito ang mga bagay na hindi pa alam ng tao kay Vice at sa kanyang pamilya like naging hanapbuhay ng kanyang ina ay ang pagtatahi at pagbebenta ng basahan. Ipinakita ni Vice kung paanong siya mismo ang katulong ng kanyang ina sa pagtatahi ng basahan.

Isa pang rebelasyon ay ang tungkol sa pumatay sa kanyang ama, na hindi na nila ipinakulong.

Napatawad na raw nila ito.

First time din na lumabas ang dalawang kapatid ni Vice on national TV. Eversince, ayaw ni Vice na ma-expose sina Emma at Babet sa TV. Walang magawa si Vice dahil surprise ang naturang appearance ng kanyang mga kapatid who like him are also gays.

Kuwento nga ni Emma about Vice, “One time nahuli ko siya. UAAP dancer kasi ako before sa FEU, mayroon kaming UAAP number nahuli ko siya na sinusukat ang headress ko na tamarraw. Pero wala in-ignore ko lang, ‘di ko in-acknowledge.”

Magandang panoorin ang Magandang Buhay sa umaga. May values na ibinabahagi ang guests at mismong mga hosts mula sa kanilang real-life experiences.

Sa ngayon, kumbinsido kaming ito ang pinaka-enjoy na morning show sa TV. Iba’t ibang personalidad kasi ang tatlong hosts who are all mothers. Laughtrip si Melai, while Karla and Jolina are good sa motherhood.

Aabangan na lang namin ang mga paparating pang episodes ng Magandang Buhay. For now, congratulations sa ABS-CBN para isang exciting na morning show na ito.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending