Guro patay, 5 iba pang miyembro ng pamilya sugatan sa Laguna
PATAY ang isang guro, samantalang sugatan naman ang limang iba pang miyembro ng pamilya matapos silang pagbabarilin ng mga pinaghihinalaang magnanakaw sa kanilang bahay sa Alaminos, Laguna kagabi, ayon sa pulisya.
Kinilala ni Insp. Roselle Orate, Laguna provincial police information officer ang napatay na guro na si Ferdinand Diones Pampolina.
Bagamat nakaligtas, nananatili namang kritikal ang kalagayan ng mga kapamilya na sina Jasper, Judith, Dina, Gennette, pawang mga Pampolina ang apelyido at Johna Perez Timabad sa magkakahiwalay na mga ospital sa Laguna.
Sinabi ni Senior Insp. Reynaldo Vitto, Alaminos police chief, na base sa inisyal na imbestigasyon, pagnanakaw ang motibo ng pag-atake.
Pumasok ang dalawang nakamaskarang lalaki sa bahay ng mga biktima sa Barangay San Benito ganap na alas-11:30 ng hapon noong Linggo at sinimulan silang pagbabarilin.
“The suspects entered through the house’s back door, which was left open,” sabi ni Vitto, na ayon sa kanya ay walang gate ang bahay.
Idinagdag ni Vitto na matapos ang pamamaril, nagawa pa ni Timabad na humingi ng tulong mula sa isang opisyal ng barangay at mga pulis na nagpapatrol nang mangyari ang pamamaril.
Namatay si Ferdinand habang dinadala sa provincial hospital sa kalapit na San Pablo City.
“The victims’ computer laptop and other electronic gadgets were taken by the robbers,” ayon pa kay Vitto.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.