Poe walang panty noong bata, ngayon magiging presidente na —Erap | Bandera

Poe walang panty noong bata, ngayon magiging presidente na —Erap

Leifbilly Begas - April 15, 2016 - 08:19 PM

SINO ang mag-aakala na ang isang tulad ni Sen. Grace Poe, na wala umanong panty noong bata, ay maaaring maging pangulo ng bansa?
Ito ang ikinuwento ni dating Pangulo at ngayon ay Manila Mayor Joseph Estrada nang sorpresa siyang pumunta sa Baseco compound sa Port Area, Manila Huwebes, kung saan na-ngangampanya ang inaanak niyang si Poe.
“Nung bata pa siya nakikita ko siya, wala pang panty, ngayong malaki na at magiging presidente na…Magiging kasalanan ko kung hindi ko siya ikakampanya,” ani Estrada na naniniwala na kwalipikadong tumakbo si Poe sa pagkapangulo na pinatunayan na umano ng Korte Suprema.
Tiwala rin si Estrada na magiging magaling na pangulo si Poe.
“Mas magaling pa nga siya sa amin ng tatay nya (Fernando Poe Jr.) dahil nakapag-aral siya sa Boston College,” dagdag pa ng alkalde. “Si Grace Poe ang puso at damdamin ay nasa masang Pilipino.”
Sinabi naman ni Poe na hindi totoo na wala siyang suot na panty noong dumalaw sa kanilang bahay si Estrada.
“Nung nakita n’yo ako wala lang akong shorts, mahaba lang T-shirt ko,” saad ng nangingiting si Poe.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending