Lino Cayetano hinding-hindi na babalik sa politika | Bandera

Lino Cayetano hinding-hindi na babalik sa politika

Reggee Bonoan - April 16, 2016 - 03:00 AM

LINO CAYETANO

LINO CAYETANO

BALIK-SHOWBIZ na si Direk Lino Cayetano pagkalipas ng tatlong taong pagkawala, nagsilbi kasi siya bilang kongresista sa ikalawang distrito ng Taguig. At hindi na raw siya muling tatakbo para sa ikalawang termino.

Pagkatapos ng presscon ng Super D na bagong fantaseryeng ididirek ni Lino kasama si Frasco Mortiz mula sa Dreamscape Entertainment ay lumapit sa amin ang direktor at nakipagtsikahan.

Sa tanong kung bakit ayaw na niyang magpolitika, “Hindi na, dito (showbiz) na lang ako, masaya rito kasi buhay na buhay ngayon ang industry. We’re so blessed,” masayang sabi ng direktor.

Kamakailan lang ay matatawag na bagets pa direktor si Lino, pero ngayon, “Nagugulat nga ako kasi dati ang tawag sa akin, young director Lino Cayetano, ngayon ano na lang, direk Lino Cayetano na lang, nawala na ‘yung young.

“Pero nakakatuwa when we have meetings, nakakasalubong ko ‘yung mga bagong direktor, we’re so blessed to live in a time na ang daming shows, ‘yung industriya nagbibigay ng napakaraming trabaho.
“A lot of of jobs for writers, jobs for cinematographers and sa totoo lang, paganda nang paganda ‘yung shows that we make, standards that we make.

“Hindi naman sa mas maganda ‘yung ngayon kaysa dati, but the standard technically, the story telling, ito na rin ang hanap ng audience. We’re always trying to make something different. Pansin ko ‘yun nu’ng Tayong Dalawa (serye nina Gerald Anderon at Kim Chiu) parang wow, magba-Baguio sa PMA (location), nag-iiba na rin ‘yung content ng soap.

“Di ba dati ito lang ‘yung…family (set-up). Hindi ako kasama sa soap, sina direk Ruel (Bayani), fan ako ng show na ‘yun kasi nakita ko na ‘yung telenovela puwedeng bumukas,” kuwento pa sa amin ni direk Lino.

Una naming naging tsika si direk Lino sa pagsisimula noon ng Starstruck sa GMA 7 taong 2004. At dahil naging matunog ang pangalan ni direk ay naging interesado sa kanya ang ABS-CBN pero sa pagkakaalam namin ay tinapos muna nito ang kanyang kontrata sa Kapuso network bago lumipat sa bakuran ng Dos.

Naging isa sa creative staff si direk Lino sa unit ni Deo Endrinal. At dito na rin nabigyan ng sunud-sunod na TV projects si direk Lino. At dahil kaliwa’t kanan nga ang mga telenovela ngayon kaya nasabi niyang buhay na buhay ang telebisyon.

Nasubukan na rin ni direk Lino na gumawa ng pelikula noong 2007, ang launching movie nina Gerald at Kim na “I’ve Fallen For You” under Star Cinema. Hindi na nagkaroon pa ulit ng pagkakataong makapagdirek si Lino sa movies dahil natali na siya sa soap opera.

Ang Aryana (2012) ang huling serye ni direk Lino bago siya napunta sa kongreso pero bago ang fantaserye ni Ella Cruz ay nagawa rin niya ang Noah (2010), Tanging Yaman (2010) at Kung Ako’y Iiwan Mo (2012).

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Mapapanood na ang Super D sna pagbibidahan nina Dominic Ochoa at Marco Masa sa Abril 18, Lunes bago mag-TV Patrol handog ng Dreamscape Entertainment.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending