Horoscope, April 16, 2016 | Bandera

Horoscope, April 16, 2016

Madam Sophia - April 16, 2016 - 03:00 AM

Para sa may kaarawan ngayon: Magandang kapalaran ang babati sa iyo sa araw na ito. Maraming biyaya ang darating hulog ng langit. Sa pag-ibig, muling makakaniig ang isang kasuyong matagal nang nawalay. Sa salapi, muling magkakapera sa isang political gathering. Mapalad ang 7, 10, 19, 24, 37, at 40. Mahiwaga mong manrta: “Aum-Malka-Tetra-Om.” Red at yellow ang buenas. Aries – (Marso 21-April 19)—Wag asahan ang sariling kakayahan! May babala na ang sobrang tiwala sa sarili ang magpapahamak sa iyo. Sa pag-ibig, mas makabubuting kung sa panahong ito ng tag-init ay sumunod ka naman sa mungkahi ng iyong kasuyo. “Aum-Savitre-Akaye-Om.” Green at pink ang buenas. Taurus – (April 20-May 20)—Isa-isa nang mapapawi ang mga suliranin. Bago lumubog ang araw ay sopresa at hindi inaasahan ang pagdating ng malaking halaga ng salapi. Sa pag-ibig, kakaibang init ang ipamamalas ng kasuyo, pagbigyan mo siya upang hindi magtampo. Mapalad ang 1, 6, 18, 27, 35, at 40. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Nahatha-Om.” Blue at magenta ang buenas. Gemini – (May 21-June 21)— Kasusuweldo mo lang, ano ang gagawin mo sa pera? Mali ang sagot na “Gagastusin at ipampapasarap!” Umpisahan na ngayong mag-ipon. Kapag may pera o may savings ka, ito ang lalo pang magpapalago ng inyong kabuhayan. Tandaan na kusang dumadami ang salapi kapag ito ay iniipon. Mapalad ang 5, 14, 23, 32, 41 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Abra-Ka-Dab-Bra” Red at silver ang buenas. Cancer – (June 22- July 22)—Wag susuko sa mga problema. Isang Capricorn ang mala-Superman na sasagip sa iyong mga problemanng pangpinansyal. Sa pag-ibig, may masarap na romansang mararanasan buhat sa isang Scorpio. Mapalad ang 5, 15, 22, 34, 42, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Kaleneha-Mahata-Om.” Green at lilac ang buenas. Leo – (July 23 – August 22)—Panahon na upang ituon ang isipan sa iisang bagay lamang. Konsentrasyon sa iisang negosyo at iisang kalakal ang dapat. Sa pag-iibig, ipagpatuloy ang pagiging tapat sa kasuyong Aries. Mapalad ang 7, 18, 22, 28, 31, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Pulkasa-Kirata-Om.” Yellow at orange ang buenas. Virgo – (August 23 – September 22)—Aabalahin ka na naman ng mga walang kabuluhang gawain! Itigil na ang madalas na pagpe-Facebook. Sa pinansyal at pag-ibig, kailangan mo nang magkaroon ng “financial maturity” upang mas madali ka umunlad at yumaman. Mapalad ang 5, 14, 24, 34, 49 at 42. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Egosum-Obre-Om.” Red at violet ang buenas. Libra – (September 23-October 23)—I-blow-out ang sarili upang hindi ka naman ma-boring. Ngayong tag-init hanapin ang isang Virgo, yayain siyang kumain ng ice cream sa isang silid na malamig. Sa pinansyal, aanhin mo nga ba ang napakaraming pera kung hindi ka naman masaya? Mapalad ang 7, 10, 14, 23, 32, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Gusto ko happy ka!” Pink at green ang buenas. Scorpio – (October 24 – November 21)—Wag maging emosyonal. Higit kang kikita ng malaking halaga kung gagamitin ang likas na talino. Sa pag-ibig, hindi tama na puro puso at damdamin ang pairalin, panahon na upang magkaroon ka ng prinsipyo sa buhay. Sa darating na halalan, hindi mo dapat na ibenta ang iyong boto. Mapalad ang 2, 7, 16, 34, 43, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Kubera-Regama-Om.” Maroon at green ang buenas. Sagittarius – (November 22 – December 21)—May darating na salapi, ngunit kung hindi ka magtitipid ay mauubos din ito nang mabilis. Sa pag-ibig, kung hindi ka na maligaya, bakit ka pa ba nagtitiis? Iwanan ang kasuyong nananakit ng damdamin. Mapalad ang 6, 12, 19, 28, 36, at 49. Mahiwaga mong mantra: “El-Adonai-El-Elohim-El-shaddai.” Purple at pink ang buenas. Capricorn – (December 22 – January 19)— Matutuwa ka, sa susunod na mga araw ay kusa mo nang makakamit ang iyong mga pinapangarap. Sa pag-ibig, may ituturong bagong estilo ng romansa ang kasuyo, pagbigyan mo na siya habang naglulublob kayo sa tubig. Mapalad ang 3, 19, 28, 40, 43 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Krisna-Namahah-Om.” Greena t yellow ang buenas. Aquarius – (January 20 – February 18)—Wag masyadong magtiwala sa mga kaibigan! Uutangan ka na naman nila nang walang bayaran. Hindi dapat magpautang, lalo na sa mga taong balasubas at manunuba. Sa pag-ibig, isa lang ang dapat mong pagkatiwalaan – ang kasuyong Libra. Mapalad ang 3, 8, 24, 34, 42, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Agiel-Dosya-Om.” Blue at lilac ang buenas. Pisces – (February 19 – March 20)—Sa pag-ibig, pasalamatan ang pagdating ng kasuyong Virgo. Sa pinansyal, dagdagan pang lalo ang pagtitipid upang magkaroon ka ng mas marami pang savings. Tandaang anumang halaga na naitabi ay katumbas din ng security at peace of mind. Mapalad ang 2, 7, 19, 35, 40 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Shati-Pad-Me-Om.” Green at silver ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending