Trabaho sa out of school youth | Bandera

Trabaho sa out of school youth

Liza Soriano - April 15, 2016 - 03:00 AM

Maaari nang mabigyan ng pansamantalang trabaho ang mga out of school youth

Ito ay sa pamamagitan ng pagpapalawak ng benipisyo sa ilalim ng Special Program for the Employment of Students (SPES) ng gobyerno na nagkakaloob ng pansamantalang hanapbuhay sa mga mag-aaral na makatutulong sa pagpapatuloy ng kanilang pag-aaral. .

Pasado na sa huling pagbasa sa Senado ang Senate Bill No. 3090, na nagtatakdang palawakin ang sakop ng SPES.

Sa ilalim ng panukala, hindi lamang ang mga magagaling na mag-aaral mula sa mahihirap na pamilya ang benepisyaryo nito kundi maging ang mga out of school youth, ang dependents ng mga manggagawang nawalan o takdang mawalan ng trabaho dahil na rin sa pagsasara ng mga kumpanya o kaya’y dahil sa tigil-operasyon o mga natural na kalamidad, na nagnanais makapag-aral o kaya nama’y kumuha ng technical o vocational courses.

Isinulong ang batas na ito upang mas mapalakas ang SPES. Dito, tiyak na makukupkop ang mga kabataang mahihirap subalit may karapatang matulungan.

Bukod sa maliit na sahod para sa iilang buwan ng trabaho, binibigyan ng oportunidad ang mga estudyante pati na rin ang mga out-of-school youth na makapagpatuloy sa pagaaral.

Nakasaad din sa SB 3090 na mula sa age limit na 15 to 25 na isasailalim sa kawanggawa ng SPES, sasakupin na nito ang edad na 15 hanggang 30 taong gulang bilang mga benepisyaryo.

At kung noon ay hanggang 52 days lamang ang employment period ng mga batang ito, ngayon ay mas pinahaba ito nang hanggang 78 araw o tatlong buwan.

Nakasaad sa panukala na ang mga mag-aaral sa sekondarya ay maaaring sumailalim sa programang ito sa kahabaan ng summer o Christmas vacations lamang, habang ang mga out-of-school-youth naman, at ang mga mag-aaral sa kolehiyo ay maaaring makapagtrabaho sa ilalim ng SPES, anumang panahon nilang gustuhin.

mahalagang maipasa ang panukalang ito sapagkat magbibigay ito ng pagkakataon sa mga mag-aaral na mailagay sa maayos ang kanilang buhay

Iniakda ni Sen. Sonny Angara ang nasabing panukala

Iginiit ng Senador na Kinikilala ng Konstitusyon ang kahalagahan ng papel na ginagampaman ng mga kabataan sa paglilinang ng bansa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

At dahil dito, kailangang gawing prayoridad ang edukasyon para sa mga bata para na rin sa kanilang magandang kinabukasa

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending