Tanker tumagilid sa Edsa; trapiko nagkabuhul-buhol
NAGDULOT ng matinding trapik sa Edsa Huwebes ng umaga matapos tumagilid ang tanker na naglalaman ng mahigit 18 toneladang Liquefied Petroleum Gas ang tumagilid na tanker na may lamang higit labing walong toneladang Liquid Petroleum Gas o LPG sa may Tramo flyover sa Pasay City.
Base sa report na isinumite sa tanggapan ni Sr. Supt. Joel B. Doria, hepe ng Pasay City Police, naganap ang insidente pasado ala-1 ng madaling araw.
Ayon kay Efren Kanilio, driver ng tanker, bigla na lamang siyang nawalan ng kontrol sa kanyang manibela, dahilan para bumangga sa poste ng ilaw ang nasabing tanker at saka ito tumagilid.
Dali-dali namang umantabay ang mga tauahn ng Bureau of Fire Protection dahil sa panganib na dulot nito. Sa isang spark, posibleng sumabog at magliyab ang tanker at magdulot ng mas malaking sakuna.
Dahil dito, nabarahan at hindi pinadaanan sa mga motorista ang Edsa – Tramo Flyover na daanan patungong Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ng mga sasakyang galing EDSA.
Ang tanker ay pag-aari ng Island Gas Corporation na galing sa lalawigan ng Bataan at patungo sana sa planta sa Pasay City.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.