Robin: Wala akong pakialam sa mga opinyon ng ibang tao! | Bandera

Robin: Wala akong pakialam sa mga opinyon ng ibang tao!

Julie Bonifacio |April 13,2016
facebook
share this

Robin: Wala akong pakialam sa mga opinyon ng ibang tao!

Julie Bonifacio - April 13, 2016 - 02:00 AM

robin padilla

TUMAWA nang malakas si Robin Padilla when asked his opinion sa naging reaksyon ng netizen sa pagpunta niya sa Kidapawan para magbigay ng bigas sa mga magsasakang nag-rally doon. Kung meron daw natuwa sa ginawa ni Robin, meron ding hindi, “May problema sila,” natatawang sabi ni Robin.

Ayon sa aktor, hindi raw siya nagpunta at namigay ng bigas sa Kidapawan para magustuhan ng mga tao, “Wala akong pakialam sa opinyon ng tao. Nagpunta ako roon dahil napakalaking problema nu’n. Tandaan mo magsasaka humihingi ng bigas? E, hindi ba sila ang nagtatanim ng palay?”

Para kay Robin, may malaking social problem ang mga Pilipino, “Meron tayong problema rito,” sabay turo ni Robin sa kanyang ulo. “Okey ba sa inyo ‘yun, binabaril ang magsasaka? At ‘yung magsasaka wala nang natatanim.

So, ano’ng ibig sabihin noon? Five years from now, mamamatay na tayo sa gutom. Wala nang nagtatanim,” anang aktor. Pinost ni Robin sa kanyang Facebook account ang lahat nang nag-donate at kung ilang sako ang ibinigay nilang bigas.

Ilan sa mga nag-donate ay ang mga artistang sina Anne Curtis, Angel Locisn, Luis Manzano, Bianca Gonzales at marami pang iba. Meron ding hindi na sinabi ang kanilang pangalan at ipinadala na lang kay Robin.

Napag-usapan din namin ni Robin ang tungkol sa naka-line-up na dalawang pelikulang gagawin niya. Napabuntung-hininga naman si Binoe sa pagsasabi sa amin na kung pwede lang daw ay titigil na siya sa pagti-taping or shooting.

Aminado si Robin na hindi na siya bumabata kaya ayaw na rin niya ng masyadong puyatan. Natatakot na rin daw siya bagaman kung kakayanin, kaya pa naman daw niya. “Ang problema ‘yung edad. Tandaan mo si Wenn (Deramas) 49 lang.

Although, dati pa akong conscious sa health magmula nu’ng naging asawa ko si Mariel (Padilla), pero hindi naman kwestyon ‘yun kung organic or ano kapag tinamaan ka talaga ng sakit, marupok ka na, e,” esplika niya.

Lastly, inamin ni Robin na kahit kailan ay hindi raw nakahabol sa rating ng Wowowin ang programa niya na Game Ng Bayan sa ABS-CBN. “Tsaka nangangarap ba sila na abutan ‘yon? Ha-hahaha! Nagpapatawa ba sila? Hindi ko pinangarap ‘yun,” diin niya.

Ang pangarap lang daw ni Robin sa show nila ay dumami pa ang matulungan nila na mga mahihirap, “Tandaan mo instant money ‘yun. ‘Yung mga ganoon dapat sinusuportahan nating lahat. Sabi ko nga kay Ka Willie, ako nandito ako dahil sa tao lang.

Hindi para ano, so, ‘wag na kahit kailan niya isipin, lalo na ng mga supporter niya na nag-iintensyon (akong matalo siya)? Ha-hahaha!” Pero kahit ano’ng pagod daw ang inaabot niya sa gitna ng init, hindi niya nararamdaman dahil kapag nandoon na raw siya at nakita niya ang mga tao, nabubura lahat ‘yon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pagkatapos ng show, may picture-taking pa raw siya sa mga tao at kinakausap niya rin ang mga ito. Hindi ‘yung basta na lang sila aalis after the show. Samantala, very vocal si Robin kung sino ang presidente na iboboto niya ngayong eleksyon.

Hindi sila magkapareho ng pamangkin niya na si Daniel Padilla na sinusuportahan. Inamin ni Robin na hindi sila nakapag-usap ni Daniel tungkol sa kung sino ang kanilang iboboto na presidente. Pero say ni Robin sa amin, sana raw ay tinanong siya ng kanyang pamangkin bago tumanggap ng kandidatong ie-endorse. Sinikreto naman sa amin ni Robin kung sino ang kanyang napipisil na vice-president.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending