Panalo ni Pacquiao, panalo ng mahihirap | Bandera

Panalo ni Pacquiao, panalo ng mahihirap

Jake Maderazo - April 11, 2016 - 02:45 PM

TULUYAN nang tinapos ni Congressman Manny Pacquiao ang “trilogy” nila ni Timothy Bradley nang ipakita nito sa edad na 37, ang kanyang taglay na ga-ling sa “professional boxing”.

Pero, habang nanonood ka sa bawat round, mahirap mawaglit ang “personang pulitiko” ni Manny na ngayon ay tumatakbong senador.
Sa deklarasyong ito na ang huli niyang laban, hindi maalis sa isip ko ang hirap na dinaanan ni Manny mula sa “batang lansangan” sa P. Paredes Sampaloc, Maynila hanggang sa pagiging kampeon sa buong mundo sa walong “boxing category.”
Naalala ko tuloy ang kwento sa akin tungkol kay Manny na kinukumbinsing sumama noong nakaraang taon sa tiket ng isang “political party.” Napag-usapan kasi iyong kaso niyang tax evasion sa BIR na diumano’y areglado kapag sumama siya sa presidentiable ng naturang partido. Pero, tinanggihan ito ni Pacquiao at sinabing di niya iniintindi ang kaso dahil sanay naman siyang matulog sa baldosa. Ibig sabihin, kaya niyang ma-ging mahirap muli kahit kasuhan pa ng BIR. Kayat hindi nga natuloy ang na-turang pagkukumbinsi at nainis pa nga raw si “pre-sidentiable.”
Pero, sa akin lumitaw dito ang karakter ni Manny, hindi siya “transactional politician” na susunggaban ang malibre siya sa kasong tax evasion, kapalit ng kanyang prinsipyo.
Hindi ko rin alam kahapon kung sinadya pero, ang daming ads na lu-mabas sa bawat round itong si Pacquiao na nagsasabing siya ay galing sa hirap at kinukurot daw ang puso niya kapag nasa paligid ng mga mahihirap. Sabi nga niya, doon siya nanggaling.
Pero, tumutulong ba talaga si Pacquiao sa mga mahihirap? Dito sa Quezon city, Makati, Metro Manila o kahit saan, tuwang tuwa ang mga nagtitinda ng sigarilyo, parking boy o maging gwardya kapag kumain o dumaan si Pacquiao.
Malulutong na tig-isang libong piso ang binibigay niya kahit pulubi ang lumapit. Napakarami nang kwentong ganito.
Isa pang hindi alam ng marami ay ang mga mahihirap na binigyan niya ng bahay lupa sa Mindanao. Doon sa Bgy. Tango, Glan Saranggani, ang kanyang Pacman-Tata Village ay ginastusan niya ng $2M (P92M) para bigyan ng bahay ang 195 na mahihirap na mamamayan doon. Doon naman sa Bales Village sa Maasim, gumastos si Pacquiao ng $600K (P28.5M) para bigyan ng bahay ang 150 na mahihirap doon nitong December 2015 lamang.
Pangako ni Manny ay gawing 600 ang beneficiaries ng pabahay niya sa lugar na ito at gagastos siya higit pa sa $2M. At lahat ng ito, ayaw ipa-media ni Pacquiao at hindi lang makatiis magpasalamat ang mga mayor at gobernador sa kanyang ginagawa.
May mga kwento pa na umaabot na raw sa 10,000 ang mga nabigyan ng di-senteng bahay ni Pacquiao sa maraming lalawigan. Karamihan ay mga bahay na nabulok na lamang at si Manny ang nagpa-repair.
Marami niyan sa mga nasalantang lugar sa Mindanao at maging sa Visayas.
Ito’y mga tulong ni Pacquiao na galing sa sarili niyang bulsa o balato niya sa mga mahihirap. Alam ng marami sa Gensan at Saranggani na nagpa-papila ng tao si Manny doon para mamigay ng “cash” pero, ayaw niya itong ipa-cover sa media.
Ngayong siya’y mag-reretiro na, marahil hindi pa rin niya tatalikuran ang mga mahihirap. Ngayong nasa kanya na ang kasikatan, kayamanan, at poder sa gobyerno, mas lalo siyang kailangan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending