Manoy maghahasik ng kasamaan sa Ang Probinsyano, makikipagtuos kay Coco

By Ervin Santiago April 10,2016
share this

Manoy maghahasik ng kasamaan sa Ang Probinsyano, makikipagtuos kay Coco

By Ervin Santiago April 10,2016
share this

eddie garcia

Siguradong si Coco Martin ang nag-request sa ABS-CBN na kunin muli ang award-winning actor-director na si Eddie Garcia para mag-guest sa FPJ’s Ang Probinsyano.

Alam ng lahat na isa si Manoy sa mga favorite na katrabaho ng Teleserye King kaya naman nang matapos na ang serye nito sa GMA ay agad na kinuha ng Dos ang veteran actor para gumanap na kontrabida sa Ang Probinsyano.

Pasok na nga si Manoy sa number one primetime series ng Kapamilya network bilang lider ng pinakamalawak na mafia group sa Pilipinas na siyang bagong makakalaban ni Cardo (Coco).
Last Friday, ipinakita na ang karakter ni Eddie bilang head ng Tuazon family na kinabibilangan nga nina Albert Martinez,

Agot Isidro at Arjo Atayde, na itinuturing na the biggest mafia group sa Pinas. Kumakagat ang mga huling katagang binigkas ni Manoy sa unang eksena niya sa Ang Probinsyano, anito, “I am here to protect you, all of you.”

Kaya abangan ang umaatikabong banggaan sa pagitan nina Eddie at Coco sa Ang Probinsyano pagkatapos ng TV Patrol.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending