Horoscope, April 08, 2016 | Bandera

Horoscope, April 08, 2016

Madam Sophia - April 08, 2016 - 03:00 AM

Para sa may kaarawan ngayon: Tumatanda ka na kaya naman ito na marahil ang panahon upang paglaanan ng maraming pera ang iyong kinabukasan! Sa pag-ibig, ipalasap na ngayon sa kasuyo ang pinakamatamis na romansa. Mapalad ang 1, 6, 18, 23, 33, 40 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Anilam-Om” Green at blue ang buenas. Aries – (Marso 21-April 19)—Panindigan ang sinabi! Kung lagi kang nagbabago ng desisyon, sa bandang huli, wala nang maniniwala sa iyo. Sa pag-ibig, kung talagang mahal mo ang kasuyo ay susundin mo ang kanyang gusto upang kapwa kayo lumigaya. Mapalad ang 3, 15, 25, 33, 42 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Om-Phat-Shanti-Om.” Pink at purple ang buenas. Taurus – (April 20-May 20)— Wag kang titigil hanggang yumaman! Sa pag-ibig, hindi dapat i-prioritize ang emosyon, ang mas mahalaga ay kung paano magkakamal ng limpak-limpak na salapi! Mapalad ang 8, 15, 24, 28, 41, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Om-Anilam-Aum-Bastan.” Red at violet ang buenas. Gemini – (May 21-June 21)— Upang umunlad at lumigaya, tapusing mabilis ang anumang ginagawa. Kapag marami kang “free-time” ay magagawa mo pang magrelaks-relaks. Sa pag-ibig, wag hawahan ang kasuyo ng katamaran, gawing halimbawa ang iyong kasipagan upang lalong umunlad ang inyong relasyon. Mapalad ang 5, 14, 25, 34, 43, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Arjuna-Govinda-Om.” Silver at lilac ang buenas. Cancer – (June 22- July 22)—Magiging maligaya ang araw na ito! Hindi tatanggi ang minamahal, sa anumang uri ng romansang gusto mo. Sa pinansiyal, isang kadugo ang mag-aabot ng malaking halaga ng salapi. Mapalad ang 1, 19, 28, 35, 45, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Karaam-Om.” Yellow at green ang buenas. Leo – (July 23 – August 22)— Sa araw na ito ay may darating na malaking halaga! Wag mo namang ubusin agad-agad! Magtipid upang may mahugot sa sandali ng kagipitan. Sa pag-ibig, paglaanan ng salapi ang pagsu-swimming ngayong tag-araw. Mapalad ang 1, 10, 16, 33, 39, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Om-Anilam-Aum-Bastan.” Red at orange ang buenas. Virgo – (August 23 – September 22)—Lagi kang maglagay ng old silver coin sa iyong bulsa o wallet. Ang agimat na iyan, ang hahatak ng mas marami pang suwerte at magandang kapalaran. Sa pag-ibig, kung may magreregalo sa iyo ng silver na alahas, mas lalo kang susuwertehin. Mapalad ang 5, 9, 23, 29, 34 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Ghoh-Phalah-Goh.” Blue at silver ang buenas. Libra – (September 23-October 23)—Wag pansinin ang mga walang kuwentang tao! Ipagpatuloy ang pagko-concentrate sa mga bagay na pagkakaperahan. Sa pag-ibig, impluwensiyahan na rin ang kasuyo na maging mukhang salapi upang mas mabilis kayong yumaman. Mapalad ang 1, 9, 19, 27, 35, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Jina-Anam-Babalam.” Green at red ang buenas. Scorpio – (October 24 – November 21)—Kung hindi mag-iisip ng mga bagay na pagkakaperahan, paano ka yayaman? Sa pag-ibig, ipaliwanag sa kasuyo na isa lang ang nagpapaligaya sa pagmamahalan – maraming-maraming pera! Mapalad ang 5, 18, 23, 25, 41 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Om-Bodha-Aum-Dhipana.” Beige at violet ang buenas. Sagittarius – (November 22 – December 21)—Sa malayong lugar, mas malaking halaga ng salapi ang kikitain! Sa pag-ibig, tama ang mungkahi ng kasuyo, posible nga kayong makapag-abroad na dalawa at doon na manirahan. Mapalad ang 9, 18, 27, 34, 41, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Yama-Yosoda-Om.” Magenta at blue ang buenas. Capricorn – (December 22 – January 19)—Wag samantalahin ang kabaitan ng iba, iwasang mandaya. Sa pag-ibig, mag-ingat dahil may babala na dadayain ka rin ng iyong kasuyo, ngunit kung siya ay isang Aries o kaya’y Sagittarius, tuloy ang mainit na relasyon. Mapalad ang 6, 18, 23, 27, 34, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Om-Ne-Pad-Me-Om.” Yellow at beige ang buenas. Aquarius – (January 20 – February 18)—Maging matatag sa bawat sandali. Kahit anong pagsubok ang dumating ay hindi na mapipigil, tuloy-tuloy kang yayaman! Sa pag-ibig, panatiliin lang muna ang pakikipagrelasyon sa isang topaking Cancer. Mapalad ang 4, 13, 22, 31, 29 at 37. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Purana-Om-Padma.” Black at green ang buenas. Pisces – (February 19 – March 20)— Hindi uubra ang bait dahil ang pagiging mabait ay hindi nagpapayaman. Mainam din ang hindi masyadong mabait, pero maunlad ang pamumuhay. Isang nilalang lang ang dapat mong pakitaan ng tunay na kabaitan – ang kasuyo mong Cancer. Mapalad ang 2, 7, 16, 25, 43, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Bhanah-Dhosya-Om.” Green at pink ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending