DUMATING na ang liwanag, ang katotohanan. Pero, pinipili pa rin ng karamihan ang karimlan ng kasinungalingan ng mga tumatakbong pangulo. Bakit sila napopoot sa katotohanan at mas niyayakap ang kasinungalingan? Iyan ang Pagninilay sa Ebanghelyo (Gawa 5:17-26; Slm 34; Jn 3:16-21) sa Miyerkules sa ikalawang linggo ng Pagkabuhay.
Matindi na ang batikos ng mga pari sa mga naghahangad na maging pangulo at kitang-kita’t malinaw ang kanilang pagsisinungaling, kahit na sila’y nasa loob ng simbahan. Sa Vatican Course on Exorcism and Deliverance, ang pagsisinungaling ay itinuturing na demonic activity, na nanahan sa katauhan ng mahina’t kampon ni Satanas. Sa araw-araw na pagsisinungaling, hayag at lantad na sila.
Bukod-tangi ang mga naghahangad na maging pangulo dahil, ayon sa mga Pagninilay, isa sa kanila ang mag-aakay sa bansa tungo sa malinis at banal na pamamahala. Iginiit ng mga pari ang salitang “banal,” dahil kaya namang gawin ito ng nagtika’t nagsisi sa mga kasalanan. Pero, ang pagtitika’t pagsisisi ay hindi ginagawa ng mga kandidatong inalihan na, at naging kampon na rin.
Ang maniwala sa umano’y resulta ng mga survey (isang buwan na lang ay halalan na; kung meron nga) ay walang bait sa sarili. Ang mga survey ngayon ay paraan para gawing bobo’t tanga ang botante. Ngayong isang buwan na lang ang nalalabi, alam na ng mahihirap kung sino ang tumulong sa kanila. Kailanman, ang pangako ay hindi makakain (yan ang ginawa ni BS Aquino, nangako nang nangako sa mahihirap at boss, na ngayon ay pinakakain ng bala).
Hindi nangako si Gibo Teodoro sa mga botante noon. Ang inilatag niya ay mga programa at agarang tugon sa di inaasahang mga mangyayari. Pero, naawa ang botante sa naulilang si Noy, ang namatayan. Yun pala, kinubabawan ng masamang espiritu si Aquino (ang kasamaan ay nagtatagumpay sa may mahinang paniniwala sa Diyos, ayon kay Fr. Jocis Syquia).
Halos patayin ako sa masasamang titig sa NAIA 3, 2, 1 nang ako’y may mga sinundo’t inihatid noong Pebrero at Marso. Isang puting t-shirt lang ang paulit-ulit kong suot, na may nakapintang itim na letrang “VII. Huwag kang magnakaw.” Nakasakit ako ng damdamin ng mga tauhan at opisyal ng OTS, Customs, Immigration, Avsegroup, at maging mga pulis at guwardiya sa labas. Di ko nakita ang “anghel” na Honrado. Sayang.
Kawawa naman si Alfredo Lim. Hindi na klik sa botante ang kanyang pagbubunganga na magnanakaw at mandarambong si Erap. Ang dapat na ginawa ni Lim noon pa ay hikayatin ang kanyang boss na si Noy Aquino na ikulong ang mga magnanakaw at mandarambong sa LP. Ang sabi nga nina Jinggoy, JV at ER, “Bakit kami, sila hindi?” SMS (sa madaling salita), naglilihi sa hilaw na mangga ang puno.
Sa kabila ng pagtutulak ni Josie de la Cruz kay Ipe Salvador, dating jowa ni Kris (nagkatulo, inamin) Aquino, ilalaglag ng maraming lider sa Bulacan ang tinawag na “bum” ni Tsong, magalit man si ganda. Naunawaan ko ang kanilang damdamin. Ang kapwa ni Ipe ay marami nang natulungang Bulakenyo, lihim man o hayag.
Record-breaking ang dumagsang pilgrims at mga maysakit noong Semana Santa sa National Shrine of the Divine Mercy sa Santa Rosa 1, Marilao, Bulacan: pitong milyon! Mabuhay ang kura, Fr. Pros Tenorio.
MULA sa bayan (0916-5401958): Gusto naming magsalita sa Barangay Santo Nino, Tacloban City si Mar at isama niya si Korina. Harapin niya kami. Hindi naman kami kumakain ng tao. …7765
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.