Pulis na nagwagi sa Mister Philippines 2014 damay sa iskandalo; tuloy ang demandahan
NAGSAMPA ng dalawang civil case ang founder at president ng Mister Philippines na si Dr. Joseph Pallera sa mga gumamit ng kaparehong titulo ng pageant para sa isang local male search kung saan nanalo ang policeman na si Neil Perez.
Ongoing na ang case ngayon sa korte at hinihintay na ni Dr. Pallera ang resolution ng kaso, “Noong 2013 po kasi nawala sa akin ang franchise ng Mr. International. Inilipat sa grupo nu’ng pulis sa hindi ko maintindihang kadahilanan. Nagulat na lamang ako samantalang bayad naman,” pahayag ni Dr. Pallera.
Ang local franchise ng Mr. International ang naglipat ng Mister Philippines title mula sa kanila to other group. Nagulat na lang si Dr. Pallera na hindi na siya ang may-ari ng title na Mister Philippines gayong bayad naman na siya.
“So, hinayaan ko lang sila kung hindi na sa akin. Pero I have the papers na sa akin siya. That’s why noong 2013 ang title ng show nila ay Mr. International Philippines. Hindi ako nagsalita dahil wala namang illegal na nangyari.
Pero nu’ng 2014 ginawa nilang Misters of the Philippines. Doon na ako nag-react because Misters of the Philippines is the plural of Mister Philippines. We have the Intellectual Property Office (IPO) certificate of Mister Philippines. So, hinabol ko sila because we cannot do that. Intellectually akin ang Mister Philippines,” diin pa niya.
Bago siya magdemanda ay sinabihan na niya ang grupong involved na hindi nila pwedeng gamitin ang titulo. Kaya naman naipadala sa kanila ang proper TRO and writ of preliminary injunction order pero hindi pinapansin.
Kaya ‘yung title ni Neil bilang Misters of the Philippines 2014 ay kwestyonable at hindi niya pwedeng gamitin dahil si Dr. Pallera lang ang pwedeng gumamit sa kung sino ang mapipili niyang bigyan.
Itinayo ni Dr. Pallera ang Mister Philippines noong 2010 and this year gaganapin ang proclamation night sa Tanghalang Pasigueño, Pasig City on April 14. Apat ang major winners, namely, Mister Philippines na ipapadala nila sa Dominican Republic to compete for Mr. Universe, Mister Global Teen Philippines, Star Teen at Mister Philippines Tourism. Plus ang first runner-up na tinatawag nilang Sun at Star naman para sa second runner-up.
“Ang sa akin lang, huwag ninyong gamitin ang Mister Philippines na title dahil sa amin iyon. At si Neil Perez na ‘yan, hindi siya ang totoong Mister Philippines 2014 or 2015. Ang mga winners ko ang totoong Mister Philippines. For 2015, that’s Mike Gerald Mendoza who won Best Model in the World sa Hollywood, and finally, sa Mr. Universe. Ang 2014 is Mark del Rosario, siya nga host ng event ngayon sa press presentation,” sabi pa niya.
Among the 24 candidates, dalawa ang ex-Pinoy Big Brother housemates – sina Hermes Bautista at Maichel Fideles.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.