Gusto, ayaw, gusto ang ex-BF | Bandera

Gusto, ayaw, gusto ang ex-BF

Pher Mendoza |April 06,2016
facebook
share this

Gusto, ayaw, gusto ang ex-BF

Pher Mendoza - April 06, 2016 - 03:00 AM

HELLO po, Manang and tropa.

Good afternoon po. I am Milly ng Leyte, 20 years old at second year college.

Yung ex-boyfriend ko po ngayon ay classmate ko. Mag-ex po kami may one year at four months na.

Noong una po ay binigyan ko siya ng isa pang chance. Kaso po nawala na po talaga ‘yung feelings ko para sa kanya. Kaya binawi ko sa kanya ‘yung chance na magkabalikan kami.

Sa loob ng one year and four months kami ay naging mag-ex.

Pero ngayon na classmate ko siya sa lahat ng subject, hindi ko po mapigilan na bumalik ‘yung feelings ko sa kanya.

Nagtapat ako ng personal sa kanya na love ko pa rin siya. Kaya lang po ay may girlfriend na po siya.

Hindi ko po alam kung ano ang gagawin ko.

Ang laki ko pong tanga. May chance pa po ba ako na bumalik siya sa akin?

Thank you po.

Milly, ng Leyte
Hello Milly ng Leyte! Kamusta kayo diyan?

Salamat sa pagdulog mo sa amin dito sa Bandera.

Sabi mo ay nawala ang feelings mo sa ex-BF, bakit kaya? Tapos ngayon namang may GF na siya ay bumalik na kamo muli ang iyong feelings sa kanya.

Hindi kaya natsa-challenge ka lang dahil meron ng competition? Or hindi naman kaya’y dahil may “scarcity” – dahil wala kang ibang mapagtuunan ng feelings kaya naa-attract ka ulit sa ex mo?

Suriin mong mabuti ang feelings mo. Maybe ask kung may iba bang lalaki na pwede ay hindi ka ba ma-aattract dito at tanging ex mo lang ang gusto mo?

Maybe what you can do is try to date other guys. Who knows, di ba? Ngayon kasi ay may GF na siya, baka dapat ay mag-move on ka na rin?

Kung gusto ka talaga ng ex mo, hindi ba dapat ay sinuyo at pinagtiyagaan ka niya kahit na ikaw pa ang nakipag-break? There are better guys out there. Keep an open mind.

Payo ng tropa

Hi Milly,

Nasa huli ang pagsisi, neng. Hehehe (joke lang). Ang sabi nga kapag wala na ay saka mo lang mare-realize ang mga bagay, bagay lalo na ‘yung feelings na nararamdam mo ngayon para sa kanya.

Ngayon na may GF na ang ex-BF mo, hayaan mo na lang silang sumaya, maging masaya ka na lang para sa kanilang dalawa.

I’m sure maganda ka naman, marami pang darating na guys na manliligaw sa iyo, di ba? Wag na lang magmadali at pag dumating ang guy na ‘yun, be sure na ‘yung feelings na mararamdaman mo para sa kanya ay 100% na mahal na mahal muna.

Move on na lang para hindi ka na rin ma-stress, and focus yourself sa studies mo.

Oki!

Ate Jenny

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

May problema ka ba sa love life, relasyon sa pamilya o kaibigan, pera o kaya ay sa trabaho, tanungin si Manang at ang tropa at baka sila ay makatulong. I-email ang inyong problema sa bandera.manang @gmail.com or [email protected] o i-text ang MANANG, pangalan, edad, lugar at mensahe sa 09999858606.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending