Kathryn napaiyak nang kantahan ng mga batang may cleft palate | Bandera

Kathryn napaiyak nang kantahan ng mga batang may cleft palate

Alex Brosas - April 04, 2016 - 08:26 PM

kathryn bernardo uli

Napaiyak si Kathryn Bernardo nang batiin siya personally ng mga batang may cleft palate sa isang pa-birthday event sa kanya ng NOORDHOFF Craniofacial Foundation Philippines. Isa-isang nagbigay ng roses ang mga batang natulungan ni Kathryn sa small birthday celebration niya sa KFC, sa Quezon Avenue branch last Sunday.

Generous pala itong si Kathryn na nagtatabi ng pera mula sa kanyang endorsements at teleserye income para may maitulong sa said foundation. For her, ang 20th birthday celebration niya with the kids with cleft palate ay ang pinaka-memorable party niya this year.

So, ano ang nagbago since she turned 20?  “Sabi ko nga parang number lang ‘yung nagbago. Ganoon pa rin. Ini-enjoy ko lang. Ang feeling ko, ang dami kong natutunan noong 2015 at excited sa nangyayari ngayong 2016. “Siguro ‘yung alam ko na yung gusto ko sa ayaw ko, alam ko na ang tama sa mali.

Siguro ‘yung pag-handle sa sa nga bagay maturely kasi 20 na ako now,” say niya. Since she already captured TV audiences with her teleserye performances, naging box-office rin ang kanyang movies, she had an album and she launched Everyday Kath, ano pa ang gusto niyang ma-achieve?

“Sabi ko, ano pa kaya ang gagawin ko. Hindi ko pa alam, pero thankful ako kasi kahit ano’ng gawin ko ay sinusuportahan nila. Hindi ko naman inaano na author ka na, singer ka na, basta ‘pag may gusto akong i-offer sa kanila na parang gift ko ay ibibigay ko ‘yon sa kanila,” say ng dalaga.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending