Ronda Pilipinas Luzon Leg lalarga ngayon | Bandera

Ronda Pilipinas Luzon Leg lalarga ngayon

Angelito Oredo - April 03, 2016 - 01:00 AM

STA. ROSA, Laguna — Matinding labanan ang nagbabadya sa pagitan ng Navy-Standard Insurance at MVP Sports Foundation sa pagsikad ngayon ng LBC Ronda Pilipinas 2016 sa panghuli nitong isasagawang Luzon Leg na magsisimula sa Paseo de Sta. Rosa at matatapos sa bulubundukin na Baguio City sa Abril 9.

Inaasahang magtutulungan ang kasalukuyang Visayas Leg champion na si Ronald Oranza, Mindanao Leg winner Jan Paul Morales at Visayas Leg second placer na si Rudy Roque para sa kampanya ng Navy habang mamumuno sa LBC-MVPSF ang 2015 Ronda runner-up na si George Oconer at Rustom Lim sa pagsikad ng pinakamalaking karera sa bansa sa Luzon.

Nagpamalas ng matinding taktika at samahan ang mga Navy riders upang dominahin ang nakalipas na dalawang stages kung saan magtatangka itong walisin ang karera sa paglarga ng karera sa Luzon.

“Iyon talaga ang target. Pipilitin namin na subukang mawalis,” sabi ni Oranza, na mula sa Villasis, Pangasinan na kinikilala bilang ‘cycling mecca’ sa bansa.

Subalit nagpahayag ang LBC-MVP Sports Foundation na hindi nito papayagan ang balak ng Navy na walisin ang karera matapos mangako ang mga rider nito na pigilan ang mga kalaban sa pagpapakita sa huling yugto matapos ang nakakadismayang kampanya sa Visayas Leg.

“Mas magandang labanan ang mangyayari kumpara sa huli,” sabi ni LBC-MVPSF skipper George Oconer, na tumapos sa ika-11 puwesto bagaman isa ito sa mga inaasahang rider na magwawagi matapos pumangalawa noong isang taon sa tinanghal na kampeon na si Santy Barnachea.

Huli naman nagpakitang-gilas para sa LBC-MVPSF sina Rustom Lim at Ronnilan Quita.

Tumapos si Lim na ikatlo sa overall matapos ang podium finish sa Stage One sa Bago City, Negros Occidental at nagwagi sa Stage Five sa Roxas City habang si Quita ay pumangalawa sa naging Stage Four winner na si Joel Calderon sa Roxas City.

“Pinaghahandaan ko po manalo lagi ng stage para maipakita ko na may kakayahan din ako,” sabi ng 21-anyos na si Quita, na inihayag mismo na umaasa ito sa cycling upang makakuha ng tsansang makapag-aral muli matapos tumigil sa Grade Six dahil sa kahirapan.

Matapos ang Paseo Stage One criterium, magtutuloy ang karera sa Stage Two Individual Time Trial (ITT) simula sa Talisay City sa Batangas at magtatapos sa dinarayo na Tagaytay City sunod na araw.

Isasagawa sa Antipolo City ang Stage Three sa isang criterium sa Abril 6 bago kumpletuhin ang LBC Ronda para sa Stage Four road race mula Dagupan City, Pangasinan tungo sa Baguio sa Abril 8 at isa pang criterium sa City of Pines sa Abril 9.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang LBC Ronda, na inorganisa ng LBC Express, ay may pahintulot ng PhilCycling at iniisponsoran ng Manny V. Pangilinan Sports Foundation, Petron at Versa Radio-Tech 1 Corp. kasama ang Maynilad at NLEX bilang minor sponsor.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending