Sulat mula kay Aira ng San Agustin, Digos, Davao del Sur
Problema:
1. Ako po ay isang katulong. Ang problema ay na-in-love ako sa aking amo. Mahal na mahal ko po siya. Nineteen ang edad ko at siya naman ay 25. Siyempre, tututol sa pag-iibigan namin ang mga magulang niya kapag nalaman nila kaya madalas niyang sabihin sa akin na mag-ingat na lang daw kami para hindi mabisto ng mga magulang niya. Ganoon pa man, parang alam na rin ito ng magulang niya kaya balak na nila akong paalisin sa bahay nila.
2. Ano po ba ang dapat kong gawin? Ang sabi naman ng boyfriend ko ay kapag umalis na ako sa bahay nila ay magkikita pa rin naman daw kami. Itatanong ko na rin po kung kami na ba ang magkakatuluyan. Compatible po ba kami? November 11, 1996 ang birthday ko at August 3, 1990 naman ang birthday ng boyfriend ko.
Umaasa,
Aira Davao del Sur
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Scorpio (Illustration 2.) ay sadyang hindi naman compatible sa zodiac sign na Leo ng boyfriend mo, malinaw na tanda na hindi kayo itinakda para sa isat-isa. Kaya ngayon palang tama ang mga magulang ng boyfriend mo, kalimutan mo na siya, habang iprepara mo naman ang iyong sarili sa pagdating ng ikalawang boyfriend na may zodiac sign na Taurus.
Numerology:
Ang birth date mong 11 ay nagsasabing sadyang hindi mo rin katugma ang birth date na 3 ng boyfriend mo, kaya siguradong sa bandang huli paglalayuin din kayo ng tadhana. Sa kasalukuyan iprepara mo na iyong sarili sa pagdating ng isang lalaking isinilang sa birth date na 7, 16 o kaya’y 25 – ang lalaking ito ang makakatuluyan mo.
Luscher Color Test:
Sa sandaling nagka-break na kayo ng boyfriend mo na anak ng iyong amo, ang palatandaan ng next boyfriend mo na magpapaligaya sa iyo at makakasama mo sa pang habang buhay ay naka-suot ng damit na kulay berde, habang ikaw naman ay nakaputi sa una nyong pagtatagpo. Kapag nangyari iyon, iyon na rin ang palatandaang sa ikalawang pakikipag-noyo, habang buhay ka ng liligaya.
Huling payo at paalala:
Aira ayon sa iyong kapalaran bago ka lubusang mapalautan o mapasubo sa kasalukuyan mong BF na anak ng iyong amo, unti-unti mo na siyang kalimutan, dahil sa bandang huli nga magkakalayo din naman kayo. Hintayin mo na lang ang pagdating ng ikalawang lalaking magiging boyfriend mo na inilarawan na sa itaas, na nagtataglay ng initial na J.E. ang lalaki na ngang ito ang mapapangasawa mo at makakasama sa pagbuo ng isang maligaya at pang habang buhay na pamilya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.