TULOY ang plano ni Manny Pacquiao na magretiro matapos ang kanyang farewell fight kontra Timothy Bradley subalit inamin niya kahapon na posibleng magbago ang kanyang isip kapag isinabit na niya ang kanyang boxing gloves.
Naghahanda na ang 37-anyos na si Pacquiao sa pagbaba ng telon sa isa sa maituturing na pinakamahusay na boxing career sa pagsagupa kay Bradley sa ikatlong pagkakataon sa MGM Grand sa Las Vegas, Nevada, USA sa Abril 9 (Abril 10, PH time).
Si Pacquiao ay umaasa din na manalo bilang Senador sa darating na eleksyon ngayong Mayo kung saan hangad nitong mapagsilbihan ang kanyang mga kababayan.
Nagsalita sa harap ng mga mamamahayag sa Wild Card gym sa Hollywood kahapon, sinabi ni Pacquiao na hindi niya inaalis ang posibilidad na magbalik siya sa loob ng ring sa hinaharap.
Nang tanungin kung ang laban kay Bradley ang kanyang huling laban, sinabi ni Pacquiao na: “After this I’ve decided to go back to the Philippines and serve the people. That’s it.”
Subalit nang tanungin kung magbabago pa siya ng isip, sinabi ni Pacquiao na hindi niya inaalis na posibleng magbalik siya sa pagboboksing.
“I’m not saying. It’s hard to say. At the moment I’m here training for the next fight. I cannot say yes or no. My decision is to go back to the Philippines and help the people,” sabi ni Pacquiao. “I don’t want to say something that you know we don’t know yet. I don’t know what the feeling is going to be like when I’m retired.”
At ang ilang malapit kay Pacquiao tulad nina Top Rank CEO at promoter Bob Arum at long-time trainer Freddie Roach ay umaasa na pahahabain pa niya ang kanyang boxing career.
“I’m hoping it’s not his last fight because I still think he has a lot left in him,” sabi ni Roach. “There’s some interesting fights out there.”
Sinabi pa ni Roach na umaasa pa rin siya na matutuloy ang rematch ni Pacquiao sa kareretirong si Floyd Mayweather Jr.
Natalo si Pacquiao kay Mayweather sa pamamagitan ng unanimous decision at inamin niya matapos ang laban na may iniinda siyang injury sa kanyang balikat.
“Could we get a rematch with Mayweather? I would like to because I was disappointed with the first performance,” ani Roach.
“Maybe his shoulder had a lot to do with it. But I know he can do much better and I think he can beat Mayweather.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.