Regine bumili ng ataul at gown para sa sariling burol | Bandera

Regine bumili ng ataul at gown para sa sariling burol

Ervin Santiago - March 30, 2016 - 02:00 AM

MIKAEL DAEZ AT REGINE VELASQUEZ 0329

Isa sa mga hilig ni Mikael Daez ang pagta-travel at nitong nakalipas na Holy Week, sa isang remote island siya nagbakasyon. Base sa kanyang mga Instagram post, enjoy na enjoy ang Kapuso hunk sa pagbibilad sa araw at paglangoy sa magandang dagat roon.

Para malaman kung saang island nagpunta ang Kapuso actor at makita na rin ang kanyang ibang mga travel escapades and adventures, puntahan lang ang kanyang youtube channel www.youtube.com/MrMikaelDaez.

Samantala, kahit pa na nakabakasyon ang Kapuso actor, masipag pa rin ito sa pagpo-promote ng bago niyang serye sa GMA TeleBabad, ang Poor Señorita na nagsimula na nga noong Lunes na pinagbibidahan ng nag-iisang Asia’s Songbird na si Regine Velasquez.

In fairness, mainit ang naging pagtanggap ng viewers sa comeback series ni Regine kung saan gumaganap siyang isang super rich na negosyante ngunit matapobre at terror na boss. Mabilis din itong nag-trending sa Twitter gamit ang hashtag na #MeetThePoorSeñorita.

Ngayong gabi, narito ang mga nakakalokang eksena na hindi n’yo dapat palampasin: Hindi makapaniwala si Rita (Regine) na isang hamak na janitor lang pala si Paeng (Mikael). Paghahampas-hampasin niya ang lalaki. Maglalabas siya ng sama ng loob kay Maika (Sheena Halili).

Pinaghahandaan na ni Rita ang kaniyang kamatayan. Pupunta siya sa funeral shop. Mag-a-avail din siya ng ataul na nagkakahalaga ng isang milyon. Nakapamili na rin siya ng gown na isusuot niya sa burol at ang mausoleum kung saan siya ihihimlay.

Samantala, nakipagkita naman ang scheming na tiyahin ni Rita na si Deborah (Snooky Serna) sa abogado para tanungin kung kanino mapupunta ang mana ng pamangkin sa oras na mamamatay na ito. Sasabihin ng abogado na dahil siya na lang ang natitirang kamag-anak ni Rita, automatic na sa kaniya na mapupunta ang lahat ng pera at properties ng pamangkin.

Pupuntahan ni Rita ang isang pari upang tanungin kung paano makakaakyat ng langit. Sasabihin ng pari na kailangan niyang gumawa ng mga bagay na bukal sa kaniyang loob. Dito maiisip ni Rita na i-donate ang iba niyang mga ari-arian sa charity.

Pagkagaling ni Rita sa isang foundation, makakaramdam siya ng hilo. Mahuhulog siya sa tulay at babagsak sa bahay ng mga yagit. Windang ang mga bata.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending