Young actress nakipag-date sa sikat na politiko
MAY natanggap kaming text message mula sa isang un known number. Malisyoso ang mensahe ng texter kaya hindi na namin papangalanan kung sinu-sino ang mga taong involved sa kuwento.
Isang sikat na magka-loveteam at kilalang politiko ang sangkot dito at talagang na-shock kami dahil mukhang imposible yatang mangyari ang gustong ipahiwatig ng taong nag-text sa amin. Narito ang kanyang mensahe, “Alam kaya ito ni _____ (pangalan ng sikat na young actor)? This ______ (name ng magandang young female star) and ______ (pangalan ng kilalang politiko na tumatakbo ngayong eleksiyon) were seen together having dinner last March 21, at Tsukiji reasto in San Lorenzo village, Makati. Anong meron???”
May karugtong pa ito pero hindi na namin isusulat dahil medyo may kalaswaan na. Para sa amin, isa lamang itong black propagdan mula sa ibang kampo o partido dahil malinaw na paninira lamang ito sa kandidatong sangkot sa kuwento.
Kung totoo mang nakipag-dinner si young actress doon sa politiko, maaaring may pinag-usapan lang silang mahalagang bagay, pwedeng kinukumbinse ng politiko ang magandang teen star na ikampanya siya o humihingi ng tulong para suportahan siya dahil nga siguradong makakahila ito ng boto.
Bukod kasi sa sikat na sikat ngayon si young actress ay siguradong kaya nitong impluwensiyahan ang kanyang mga tagasuporta para iboto si kandidato. Pero palabasing dyinodyowa ng politician si teen actress, mukhang imposible itong mangyari. Gets n’yo ba kung sinu-sino sila? Kung nahulaan n’yo, e di wow! Ha-hahaha!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.