500 bata nakinabang sa ‘Handog Palangoy ni Enchong’ sa Laguna
Habang wala pang masyadong pinagkakaabalahan si Enchong Dee sa showbiz, tuloy lang ang pagtulong niya sa mga aspiring young swimmers sa bansa. Sa kanyang Instagram account, nagpasalamat siya sa Diyos sa ibinigay na talent sa kanya sa paglangoy at maibahagi ang kanyang kakayahan sa mga kabataan na gusto ring karirin ang pagsu-swimming.
Ilang litrato ang ipinost niya sa IG kung saan makikita ang ginagawa niyang pagtuturo sa ilang kabataang nais maging professional swimmers. Nakipag-tie up siya sa Bert Lozada Swim School kung saan may 500 bata mula sa San Pablo City, Laguna ang nag-participate.
Ito’y bahagi pa rin daw ng kanyang advocacy, ang “Handog Palangoy Ni Enchong” na malapit na raw mag-celebrate ng kanilang first year anniversary. Mensahe ni Enchong, “Thank God for the talent He gave me.
Thank God for the power of influence He granted m. Thank God for this day. It’s almost a year since we started#HandogPalangoyNiEnchong and Im proud to say together with@bertlozadaswimschool We were able to educate and save lives of about 500 kids, and the people helping me are so dedicated from coaches to my fans.
“We are not getting anything from this event except pure joy and fulfillment… I have nothing but Thanks to all of you lalo na sa swimming team ng Lake City#SanPablo … For the people who made this possible, You know who you are…Mahal na mahal ko kayo and Godspeed,” dagdag pa ng Kapamilya actor.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.