Alahas nagkalat sa FB, Twitter | Bandera

Alahas nagkalat sa FB, Twitter

Jimmy Alcantara - March 29, 2016 - 03:00 AM

SA kanyang huling dalawang buwan sa puwesto ay halatang with all guns blazing na ang pagbanat ni Pangulong Aquino sa pamilya Marcos, partikular sa tumatakbong vice president na si Bongbong.

Eto nga at may bagong pakulo ang Presidential Commission on Good Government (PCGG) na isang digital exhibit ng mga piling alahas mula sa “Hawaii Collection” ng pamilyang kalabang mortal ng mga Aquino.

Mayroong 300 piraso ng alahas ang nasabing koleksyon, na nasabat ng US customs pagdating ng pamilya sa Hawaii noong 1986 matapos silang mapalayas sa Pilipinas sa pamamagitan ng People Power.

Isa lamang ito sa tatlong jewelry collection ng pamilya; nariyan pa ang Malacañang at Roumeliotes collections. Ang halaga ng tatlong koleksyon ay aabot sa nakalululang P1 bilyon.

Mga netizens ang target ng bagong kampanya ng pamahalaan kontra mga Marcos dahil sa Facebook at Twitter ipo-post ng PCGG ang mga picture ng alahas para ipakita at ipaalala sa bagong henerasyon ang pagiging maluho ng rehimeng Marcos.

Dapat kabahan ang mga supporters ni Bongbong sa sosyal na kampanya ng gobyerno laban sa kanya dahil hindi nagta-tapos sa mga pictures ang exhibit–may caption ang mga ito ng deskripsyon ng alahas, halaga nito at ang mga proyekto ng pamahalaan na sana’y nakinabang sa halaga nito.

Isang halimbawa ay ang isang maliit na korona na may suklay na gawa sa white gold at tinadtad ng diyamante, na ayon sa PCGG ay may halagang sapat para pampagawa ng walong classroom. Eto pa: tiara na gawa sa platinum at puno rin ng diyamante, na pwedeng gamitin sa pagpapagamot ng mahigit 12,000 pasyente ng TB.

Mahigit 2,000 pamilya naman sa mga liblib na lugar ang kayang bigyan ng kuryente ng isang antigong sapphire at diamond necklace. Kasama rin dito ang isang di-pangkaraniwang pink diamond na may presyo naman na P235 milyon, na kayang bigyan ng pabahay ang mahigit 1,000 pamilya.

At dahil nga malakas si Bongbong sa mga batang botante, na hindi naranasan ang mga karumal-dumal na mga pangyayari noong martial law, iisa-isahin ng PCGG ang mga kolehiyo at unibersidad sa buong bansa upang iparinig at ipakita sa kanila ang mga “dark stories of the martial law [era] and the excesses of the Marcos family and [their] cronies.”

Hindi man tahasang sinasabi na huwag iboto si Bongbong, ito ang pahiwatig ng mga pakana na ito ng PCGG. Ang tanong lang, makatulong naman kaya ito sa manok ng pamahalaan na si Rep. Leni Robredo o lalo lang umalagwa ang kagitgitan ni Bongbong sa mga preelection survey na si Sen. Chiz Escudero?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending