San Miguel Beermen pinatid ang Star Hotshots | Bandera

San Miguel Beermen pinatid ang Star Hotshots

Melvin Sarangay - , March 28, 2016 - 01:00 AM

Mga Laro sa Miyerkules
(Araneta Coliseum)
4:15 p.m. Phoenix Petroleum vs Blackwater
7 p.m. Barangay Ginebra vs Tropang TNT

LUMAPIT ang San Miguel Beermen sa pagkubra ng puwesto sa quarterfinals matapos na ilampaso ang Star Hotshots, 117-98, sa kanilang 2016 PBA Commissioner’s Cup elimination round game kahapon sa Smart Araneta Coliseum sa Cubao, Quezon City.

Nagtala si Tyler Wilkerson ng 44 puntos para pangunahan ang Beermen na nagsagawa ng matinding ratsada sa second half para maiwanan ang Hotshots, na naputol ang tatlong sunod na panalo.

Si Marcio Lassiter ay nagdagdag ng 25 puntos habang sina Alex Cabagnot at Chris Ross ay nag-ambag ng 13 at 11 puntos para sa San Miguel Beer.

Ang panalo ay nagpangat sa Beermen sa ikalawang puwesto kasalo ang pahingang Alaska Aces sa 5-2 kartada.

Si Ricardo Ratliffe ay kumana ng 33 puntos para pamunuan ang Star, na nalaglag sa 4-5 karta. Si James Yap ay kumamada ng 17 puntos, si Allein Maliksi ay nagdagdag ng 15 puntos at si Peter June Simon ay may 14 puntos para sa Hotshots.

Sa unang laro, nakabalik ang NLEX Road Warriors sa .500 marka matapos tambakan ang Blackwater Elite, 88-75.

Gumawa si Paul Asi Taulava ng 22 puntos at 15 rebounds para sa NLEX (4-4) habang si Al Thornton ay nagtapos din na may 22 puntos.

Si Sean Anthony ay nagtala ng 15 puntos at walong rebounds habang si Kevin Alas ay  nag-ambag ng 10 puntos.

Pinamunuan ni Art Dela Cruz ang Elite (3-6) sa ginawang 16 puntos at 12 rebounds habang si MJ Rhett ay may 14 puntos at 18 rebounds.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending