Yam Concepcion super yamang pinoy na taga-US ang ipinalit kay Ejay Falcon
NAGING isyu noon ang break-up nina Yam Concepcion at Ejay Falcon. Nagkaroon ng relasyon ang dalawa habang ginagawa nila noon ang afternoon teleserye sa ABS-CBN na Dugong Buhay. At nabalita na inisplitan ni Ejay si Yam through text message.
And now, after a couple of years ay magkasama ulit sina Yam at Ejay sa indie movie na “Magtanggol, Bagong Bayani” directed by Sigfreid Barros Sanchez produced by Felix and Ber Film Productions.
Kwento ni Yam, si Ejay daw ang unang bumati sa kanya habang kumakain ng dinner sa set ng “Magtanggol.” Nag-hi na rin si Yam pagkatapos siyang batiin ni Ejay. And then, nagbiruan at nag-usap na raw sila ng aktor.
“Sabi niya, ‘O, ano bati na tayo.’ Sabi ko naman sa kanya, ‘Oo, bati na nga tayo.’ Padyok-joke na siya. Hindi siya ‘yung parang noon na grug-grug. Parang natatakot siya na nahihiyang lumapit, ganoon,” salaysay pa ni Yam.
Inamin naman daw sa kanya ni Ejay na nagkamali siya sa ginawa nito. Very professional daw si Ejay sa set ng “Magtanggol, Bagong Bayani.” Although, noong una ay talaga raw nakakailang dahil ang tagal nilang hindi nagkita.
“Siguro last time naming nagkita that was ano, years ago? ‘Yung last namin na usap ‘yung phone patch pa na Gandang Gabi Vice, ‘yung kay Vice Ganda. After noon, we never talk na,” sabi ni Yam.
Nakatulong daw ang ipinagawa sa kanilang exercises sa workshop ng direktor nila sa pelikula na si Sigfreid Barros-Sanchez. “Magkaharap kami, naka-blindfold just to be comfortable with each other, na kapag hinawakan mo ang buhok niya, ‘Ano’ng nararamdaman mo sa buhok niya?’ ‘Eto, ano ba ‘to,’ parang ganoon.
So, we’re okey,” saad niya. And finally, meron na rin daw silang closure ni Ejay. At the same time, may boyfriend si Yam nga-yon. Siya si Miguel Cuenying na kilala sa circle ng mga mayayamang pamilya sa Pili-pinas. “Na-meet ko siya four years ago. Ever since nandiyan na talaga siya sa buhay ko.
Pero long distance relationship kasi kami, so, ‘yun ang maganda doon dahil at least may time for myself, for my career. Tapos siya rin, nasa Boston siya ngayon,” proud na sabi ni Yam. It has something to do with Sustainability Environmental Department daw ang work ni Miguel sa Georgetown, Washington DC.
Kaka-graduate lang daw doon ni Miguel ng kanyang master’s degree. “Kasal? Matagal pa ‘yan kasi kaka-graduate lang niya ng masters. Tapos siyempre, he has to work more. Years ‘yan, ‘di ba? Hindi naman overnight na magiging stable ka agad,” dagdag ng aktres.
Samantala, napaka-challenging ng role niya sa “Magtanggol, Bagong Bayani” bilang abused OFW. Sa isinagawang workshop nila ni Direk Sigfreid, nag-invite pa raw ng mga totoong OFW na minaltrato sa ibang bansa.
“Feeling ko kailangan natin magkaroon ng isang sangay na…would focus more on that issue especially sa mga problema ng ating mga OFW sa ibang bansa,” pahayag ni Yam. Nahirapan daw siya sa pagganap niya sa movie, una dahil sa prosthetics, “May prosthetics ako rito so, it takes a while to finish one because it has to look real.
Noong first day namin, grabe! Nagkaroon talaga ako ng totoong pasa kasi syempre paulit-ulit ‘yung eksena,” sabi ni Yam. “It was more of the bruises the next day that I got because of the scenes. And also, it’s a very sensitive role to portray kasi hindi siya biro, e.
Hindi biro na mag-portray ng isang babae na inabuse, na hopeless, na wala kang magawa, na ganoon kalalim ‘yung sugat na naransan mo,” diin pa niya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.