Lovi kay Grace: Nakita ko ang tunay na ugali niya nang mamatay si Papa!
NAKITA ni Lovi Poe ang tunay na ugali ng kanyang half-sister na si Sen. Grace Poe nang pumanaw ang kanilang amang si Da King Fernando Poe Jr.. Si Lovi ay anak ni FPJ sa dating aktres na si Rowena Moran, samantalang si Sen. Grace naman ay adopted daughter ni FPJ at ng award-winning veteran actress na si Susan Roces.
Sa isang panayam namin kay Lovi, sinabi nitong naging maluwag ang pagtanggap sa kanya ng senadora at maging ni Ms. Susan kaya sobra-sobra ang pasasalamat niya sa mga ito. “Unang-una sa lahat, kasi si Ate Grace, alam naman po natin yung sitwasyon ko.
Nakita ko ang totoong puso n’ya nu’ng namatay si Papa,” sabi ng Kapuso actress. “Siyempre hindi naman ganu’n kadali para tanggapin yung sitwasyon naming dalawa. Pero that very moment nakita ko napakabuti niya kasi she accepted me in an instant, walang kundisyon,” dagdag pa ni Lovi.
Sey pa ng aktres, ito rin ang dahilang kung bakit todo ang suporta niya sa kandidatura ng kapatid, dahil sa alam niya kung anong klaseng tao ito at kung gaano ito kabuting tao.“So thankful ako kasi parang isa iyan sa mga bagay na makikita mo iyong totoong pagkatao ng isang tao.
Kasi through tough times doon lumalabas ang totoong ugali ng isang tao and doon ko nakita na going through that tough time she was there to accept me no matter what,” ani Lovi. Nitong Martes, first time ni Lovi na ikampanya ang kanyang Ate Grace at sa Ilocos sila nanligaw ng mga botante kung saan nakasama pa niya ang kanyang BFF na si Heart Evangelista, asawa ng running mate ni Sen. Grace na si Sen. Chiz Escudero.
Naging mas fun nga raw ito para sa mag-best friend dahil magkasama silang nag-ikot bilang Poe-Escudero tandem version 2.0 pa rin na sinusuportahan ang kanilang mga mahal sa buhay. Sa tanong naman kay Lovi kung hindi ba siya nainggit kay Heart na happily married na ngayon kay Chiz, naniniwala ang aktres na may tamang panahon para sa lahat ng bagay, at feeling niya, hindi pa talaga ito ang perfect time para bumuo siya ng sarili niyang pamilya.
Quiet pa rin si Lovi until now tungkol sa balitang nagkabalikan na sila ni Rocco Nacino, ito’y sa kabila nga ng naglabasang balita na ilang beses na silang nakikitang magkasama ni Rocco na sweet na sweet.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.