Ang kasalukuyang BF na ang makakatuluyan (2)
Sulat mula kay Honey ng San Vicente, Liloan, Metro Cebu
Problema:
1. September 2, 1992 ang birthday ko at may boyfriend ako sa kasalukuyan na isinilang noong January 16, 1990. Itatanong ko lang kung compatible ba kami at kami na ba ang magkaklatuluyan?
2. Naitanong ko ang bagay na ito sa dahilang sa kasalukuyan ay may nangyayari na sa amin, kahit hindi pa kami kasal. Kami na ba ang magkakatuluyan at kung sakaling kami ang magkakatuluyan, magiging maligaya at magiging pang habang buhay na kaya ang aming samahan?
Umaasa,
Honey ng Liloan, Metro Cebu
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Virgo (Illustration 2.) ang nagsasabing ka-compatible mo nga ang kasalukuyan mong boyfriend na isang Capricorn, dahil ang Capricorn at Virgo ay nagtataglay ng iisang element – ang elementong lupa o earth.
Numerology:
Ang birth date mong 2 at 16 naman ang boyfriend mo ay nagsasabing compatible din kayo sa numerology. Nangyari, sapagkat ang birth date na 2 at 16 ay parehong weak number, kung saan, madalas mangyari na nagkakatuluyan talaga silang may birth date na 2 at 16.
Luscher Color Test:
Kapwa kayo mapalad sa kulay na berde at dilaw. Kapag patuloy ninyong ginagamit ang nasabing kulay, tuloy-tuloy na magiging maligaya ang inyong relasyon at kapag kayo ang nagkatuluyan, tuloy-tuloy din kayong uunlad at yayaman.
Lucky date and years:
Mapalad naman ang buwan ng Mayo at Oktubre upang magpakasal, sa partikular na petsang 5, 14, 23, 9, 18, 27, 1, 10, 19 at 28. Sa nasabing mga petsa at buwan, masuwerteng magpakasal, upang tuloy-tuloy na lumago at umunlad ang inyong samahan habang kayo ay nagsasama at nagmamahalan.
Huling payo at paalala:
Honey ayon sa iyong kapalaran ang kasalukuyan mo na ngang boyfriend ang nakatakdang mong makatuluyan. At sa sandaling kayo ay nagkatuluyan may pangako ng isang maunlad, masagana at pang habang buhay na samahan, na natakdang mangyari at maganap sa taong 2018 sa edad mong 26 at 28 naman ang boyfriend mo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.