PREBLEMADO na nga ang Los Angeles Lakers sa kasalukuyang season ay mukhang madadagdagan pa ang suliranin nito matapos na akusahan ang dalawa sa mga malalaro nito ng sexual harassment.
Ayon sa ulat ng ESPN, iniimbistigahan na ng Lakers ang alegasyon ng isang Alexis Jones laban sa dalawa nitong players na sina Nick Young at ang Filipino-American na si Jordan Clarkson.
Sinabi ni Jones, ang may-akda at co-founder ng non-profit I Am That Girl, na naganap ang insidente noong Linggo (Lunes PH time) sa Los Angeles, California.
Ani Jones, apat na lalaki na sakay ng Jeep na tumabi sa kanilang sasakyan sa panulukan ng La Brea at Melrose avenues sa Hollywood ang nagpakita ng “vulgar, sexual gestures” sa kanyang 68-anyos na ina.
“She was super rattled. That’s the truth. It scared her,” sabi ni Jones sa panayam ng ESPN. “We were in a small car, and they were in a big Jeep, and it was a bunch of big dudes.
They’re leaning out of the car and making vulgar, sexual gestures. My mom was really shocked. That immediately turned into sobbing.” Nakunan ni Jones ng larawan ang mga nakasakay sa Jeep at ipinost niya ito sa kanyang Instagram account.
Doon nakilala ng mga followers niya ang dalawa na sina Clarkson at Young.
Si Jones ay isang aktibistang naglalayong ihinto ang mga atleta sa paggawa ng “sexual harassment, sexual abuse at domestic violence.”
Isang araw matapos ang insidente ay tinawagan aniya siya ni Lakers spokesman John Black. Dagdag pa ni Jones na nag-apologize si Black “on behalf of the team and offered him to speak to the Lakers about her advocacy.”
Ayon pa sa ulat ng
ESPN, hiniling ni Jones na makausap sina Clarkson at Young pero tinanggihan ang kanyang request.”
“I’m not special. This is happening to women everywhere,” sabi ni Jones. “I’m not here to shame them. That’s the last thing I want to do … I don’t want to crucify them. I want to use it as an opportunity to change behavior.”
Ang Lakers ay kulelat sa Western Conference na may 14 panalo at 55 talo sa season.
Si Clarkson ay may average na 15.5 points per game at si Young ay may average na 7.3 points per game para sa Lakers.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.