Desperado na si Binay | Bandera

Desperado na si Binay

Leifbilly Begas - March 23, 2016 - 03:00 AM

MASISISI mo ba si Vice President Jejomar Binay kung gusto niyang magdala ng dokumento sa ikalawang presidential debate na ginawa noong Linggo sa UP Cebu?

Sa mga presidential candidates, si Binay ang masasabi na mayroong pinakamalaking taya.
Bakit?

Kung hindi mananalo sa May 9 elections, matatapos na ang kanyang immunity sa Hunyo 30.

Nangangahulugan na puwede na siyang kasuhan ng Office of the Ombudsman kaugnay ng mga anomalya sa ipinatayo niyang Makati City Parking Building na ipinagpatuloy ng kanyang anak na si Junjun Binay.

Nauna nang kinasuhan at sinibak sa puwesto ng Ombudsman ang nakababatang Binay kaugnay ng mga maanomalyang ito.

Hindi na rin tumakbo si Junjun para sa ikatlong termino dahil kasama sa parusa laban sa kanya ang pagbabawal na muling makaupo sa puwesto.

Kung matatalo si Binay, hindi matatapos ang kanyang kalbaryo at inaasahan na mumultuhin pa rin siya ng mga umano’y anomalya ginawa niya noong siya ang alkalde ng Makati City.

At ang masakit ay baka plunder ang isampa sa kanya, na nangangahulugan na nakakulong siya habang nililitis ang kaso.

Kung si Binay ay mananalo muli siyang magkakaroon ng immunity sa mga kaso. At ang kanyang panalo ay masasabing pagkampi sa kanya ng mga Pilipino.

Kaya ganito na lamang ang pagnanais niya na makumbinsi ang mga botante na wala siyang sala at dapat siya ang iboto.

Desperado si Binay na manalo at hindi natin siya masisisi kung nagkaganon.

Sa debate noong Linggo, mayroong mga dokumento na dala si Binay. At isa sa mga ito ang kopya ng panunumpa sa Amerika na kanyang ginamit sa katunggali na si Sen. Grace Poe.

Sabi ni Binay, nakalagay doon ang salitang “abjure” na para sa kanya ay nangangahulugang ikinahihiya.

Gusto niya sigurong palabasin na ikinahiya ni Poe ang kanyang pagiging Pilipino kaya nanumpa siya sa watawat ng Amerika.

Pero ang “abjure” ay hindi nangangahulugang ikinahihiya. Ang ibig sabihin nito ay itinatakwil.

Matapos mabasura ang disqualification case laban kay Poe, nag-aabang ang lahat sa magiging resulta ng mga survey.

Ang sabi, tanging ang DQ case ang dahilan kung bakit hindi kumakawala ang rating ni Poe.

Marami umano ang natatakot na lumantad na kakampi ni Poe dahil kapag ma-DQ sila mahihirapan na silang lumipat sa ibang grupo o kung tatanggapin man sila ay pabalat-bunga na lamang dahil second choice lang ang kanilang nilipatan.

Kung hindi rin makakaalagwa ng malaki si Poe marami naman ang hindi “maghuhudas” sa kanilang mga sinusuportahan ngayon.

Baka lumipat sila kapag kilala na ang nanalo. Hindi naman bago ang ganitong scenario sa ating pulitika.

Halos 40 araw na lang ang nalalabi para sa kampanya sa national position, at mabilis na mauubos ang nalalabing panahon dahil sa dami ng dapat na gawin.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Hindi na halos mapapansin ang paglipas ng araw at baka magulat ka at eleksyon na bukas.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending