TAON- taon inaaalala ng buong daigdig ang anibersaryo ng kamatayan ni Hesukristo.
Bakit nga ba kailangang alalahanin ang kanyang kamatayan at ano ang kahalagahan ng buhay na isinakripisyo niya para sa bawat isa sa atin?
Para sa mga nakagawa ng karumal-dumal na mga krimen, tiyak na kamatayan ang kaparusahan sa kanila. Ngunit bakit kahit wala ngang nagawang krimen, guilty or not guilty ay pareho pa rin ng kaparusahan? At iyon nga ay kamatayan.
Sa Watchtower magazine isyu noong Enero 2016 at matatagpuan sa www.jw.org, binanggit doon na dahil sa minana nating kasalanan kung kaya’t lahat ng tao, kahit ano pa ang lahi, ay nahaharap sa death penalty.
Ayon sa ulat ng Roma 5:12: “Kaya naman, kung paanong sa pamamagitan ng isang tao ang kasalanan ay pumasok sa sanlibutan at ang kamatayan sa pamamagitan ng kasalanan, at sa gayon ang kamatayan ay lumaganap sa lahat ng tao sapagkat silang lahat ay nagkasala.”
Magkagayunman, tumanggap tayong lahat ng isang regalo mula mismo sa Diyos na si Jehovah, lakip ng kanyang kabutihan at tapat na pagibig na ipinahayag niya sa pamamagitan ng kanyang anak na si Jesus.
Pinangyari niyang magtungo si Jesus sa lupa at pinayagan niyang matikman nito ang masakit na kamatayan para sa sangkatauhan.
Ang dakilang regalong ito ng Diyos ay hindi lamang nangangahulugan ng kaligtasan natin sa kasalukuyan kundi magreresulta rin ng pagkawala ng kamatayan magpakailanman.
Kasama na rin dito ang pangakong wala nang magkakasakit, maibabalik ang lupang ito upang maging isang paraiso, pati na ang pagbuhay muli sa mga patay.
Nakatitiyak tayong walang sinumang lider o politiko kahit makapangyarihan man ang mga ito na kayang ipangako ang mga permanenteng solusyon na nabanggit.
Dagdag pa ng Watchtower magazine, para sa mga nananampalataya kay Hesus, sila ay makatatanggap ng buhay na walang hanggan taglay ang kapayapaan at kaligayahan bilang mga makalupang sakop ng Kaharian ng Diyos sa pamamagitan ni Hesus , o di kaya, para naman sa mga may makalangit na pag-asa, maghahari silang kasama ni Hesus sa kanyang kaharian.
Ngayong taon, ang anibersaryo ng kamatayan ni Jesus ay nakatakda sa Marso 23, 2016, araw ng Miyerkules. Nag-aanyaya ang mga Saksi ni Jehova sa buong daigdig na makasama sila sa pag-alala sa araw ng Memoryal na si Hesus mismo ang nagpasimula at upang makilala ang kahalagahan nito kung paano tayo nakikinabang kahit ngayon pa lamang.
Si Susan Andes a.k.a Susan K. ay napapakinggan sa Radyo Inquirer DzIQ 990 AM (M-F 10:30 am 12:00 pm, audio/video live streaming: www.ustream.tv/channel/dziq Helpline: 0998.991.BOCW Website: bantayocwfoundation.org E-mail: [email protected]/ [email protected]
Bantay OCW Foundation satellite office: 3/F, 24H City Hotel, 1406 Vito Cruz Extension cor. Balagtas St., Makati City Tel: +632.899.2424
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.