Ex-showbiz couple bidang-bida pag Holy Week, laging nasasangkot sa iskandalo | Bandera

Ex-showbiz couple bidang-bida pag Holy Week, laging nasasangkot sa iskandalo

Cristy Fermin - March 22, 2016 - 03:00 AM

BLIND ITEM F-M 0322

TUWING dumarating ang ganitong panahon ng Santo-Santo ay maraming kuwentong umeeksena.

Matagal nang nangyari pero hanggang ngayo’y naaalala pa rin ng marami nating kababayan.

Madalas magbakasyon sa isang pamosong isla ang mga dating magkarelasyong personalidad na magkaiba ng linya pero tuwing nagpupunta sila sa naturang lugar ay puro gulo at kahihiyan ang kinasasangkutan nila.

Mahilig uminom ang lalaki, kapag langung-lango na ito ay nakakatulog na nang wagas, kaya sinasamantala naman ng kanyang girlfriend ang pagrampa sa dalampasigan.

Kuwento ng aming source sa kanyang pagbabalik-alaala, “Nandu’n kami nu’n, nagulat na lang kaming magkakatropa nu’ng makita namin ang girl na meron nang mga kakuyangyangang bagets!

“Natural, nagulat kami dahil bago namin siya nakita, e, magkasama pa sila ng boyfriend niya, napakalaki ng taong ‘yun para hindi namin mapansin.

“Parang higante sa laki ang guy, magkasama pa silang nag-lunch, tapos, nakita namin ang girl na isang tropa na ang kasama? Nasaan ang lalaki, anyare, bakit nakikipagkyondian na ang girl sa mga bagets?” pag-alala ng aming impormante.

‘Yun na! Pagkatapos nu’n ay nabalitaan na lang ng magkakaibigan na nasa police station na ng isla ang magkarelasyon, nagkaumbagan pala sila, minumura-mura ng babaeng personalidad ang boyfriend niyang parang kapre na sa sobrang laki.

“Palaging ganu’n! Laman sila ng police station tuwing nagbabakasyon sila du’n. Kundi man sila nagkakasakitan, e, inirereklamo ng girl ang lalaki dahil sa kakulitan kapag nalalasing.

“Naku, Bradly Guevarra, isang malaking boba ka kapag hindi mo nahulaan kung sino ang mag-ex na itey. Nasaan na nga kaya sila ngayon?” pagtatapos ng aming source.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending