Poe at Chiz hati sa pagbabalik ng death penalty | Bandera

Poe at Chiz hati sa pagbabalik ng death penalty

Leifbilly Begas - March 21, 2016 - 02:04 PM

18chiz-wiz1
Magkasalungat ng posisyon ni Sen. Grace Poe at kanyang running mate na si Sen. Chiz Escudero sa pagbabalik ng death penalty sa bansa.
Kung si Poe ay bukas sa muling pagbabalik ng death penalty, tutol naman si Escudero na nagsabi na hindi magbabago ang kanyang posisyon dahil lamang ito ang gusto ng kanyang kandidato sa pagkapangulo.
“We have agreed to disagree on this and some other issues. Diversity of opinion is to be expected in a democratic and free society,” ani Escudero na kongresista pa lamang at tutol na sa hatol sa kamatayan.
Sinabi ni Escudero na inirerepesto niya ang posisyon ni Poe at inirerespeto rin nito ang kanyang posisyon.
“We cannot be the same on every issue. I respect her stand as she does mine,” dagdag pa ni Escudero.
Sa ikalawang presidential debate, itinaas ni Poe ang kanyang kamay sa tanong kung pabor ito na ibalik ang hatol na kamatayan.
Sa panayam matapos ang debate sinabi ni Poe na bago ibalik ang naturang parusa dapat munang ayusin ang sistema ng hustisya upang matiyak na may sala lamang ang maparurusahan dito.
“Pero aayusin muna natin ang sistema ng hustisya para naman ang mahihirap ay hindi biktima dahil kulang ang kanilang representasyon. Dadagdagan natin ang budget ng Public Attorney’s Office at lalagyan natin ng magagaling na abogado para ang mahihirap kayang depensahan ang sarili,” ani Poe.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending