Makapag-aabroad na ba ngayong 2016? (2) | Bandera

Makapag-aabroad na ba ngayong 2016? (2)

Joseph Greenfield - March 21, 2016 - 03:00 AM

Sulat mula kay Imelda ng Antonio Village, Matina, Davao City
Problema:
1. Nag-aaplay po ako sa abroad sa ngayon bilang care giver. Dati na akong nag-aplay pero hindi ako natuloy, noong una nabagsak ako sa medical nito naman pong pangalawa na-illegal recruiter ako. Pero kailangan ko kasi talagang mag-abroad para makatulong sa aking pa-milya.
2. At isa pa sa ngayon ay may tumutulong naman po sa akin na pinsan ko na nasa abroad din. Itatanong ko lang po sana kung matutuloy na kaya ako ngayong taong ito ng 2016? June 5, 1988 ang birthday ko.
Umaasa,
Imelda ng Matina, Davao City
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Gemini (Illustration 2.) ang nagsasabing kung Libra o kaya’y Aquarius ang pinsan mo na tumutulong sa iyo upang ikaw ay makapag-abroad, tiyak ang magaganap, sa taon ding ito ng 2016 sa Mayo kaya’y Hunyo may isang mabunga at mabiyayang pangingibang bansang itatala sa iyong karanasan.
Numerology:
Ang birth date mong 5 ay nagsasabing sa sandaling nakapag-abroad ka, tuloy-tuloy na ang nasabing pangingibang bansa at siguradong maraming beses ka ng magpapabalik-balik sa abroad.
Luscher Color Test:
Upang matupad ang i-yong pangarap na makapag-abroad at maluwalhati mo itong maisakatuparan lagi kang gumamit ng kulay na silver at blue. Sa nasabing mga kulay makakamit mo na ang su-werte at malaking tagumpay.
Huling payo at paalala:
Imelda ayon sa iyong kapalaran, kung nabigo ka sa mga nakaraan mong pangi-ngibang bansa, hindi na ngayon, dahil sa taon ding ito ng 2016, tulad ng nasabi na, susuwertehin ka na, At sa nasabing panahon, sa buwan ng Mayo o kaya’y Hunyo sa edad mong 28 pataas, – hindi ka lang makapag-aabroad sa halip nakatakda ding magpapabalik-balik ka na sa ibayong dagat hanggang sa tuloy-tuloy ng umunlad at sumagana ang kabuhayan ng inyong pamilya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending