Jake: Wala akong sex video, di ko rin hilig ang makipag-cyber sex!
SINIGURO ni Jake Cuenca na wala siyang ginawang sex video na posibleng gamitin ng ilang sindikato sa internet at social media laban sa kanya.
Naitanong sa Kapamilya hunk actor sa presscon ng bago niyang endorsement, ang Guitar underwear and shirts, kung isa rin siya sa mga male celebrities na may itinatagong sex video na posibleng lumabas anytime.
Ilan nga sa mga lalaking artista na naging kontrobersiyal dahil dito ay sina Joross Gamboa, Mark Neumann, Jeric Gonzales, Kiko Estrada, Jason Abalos, Felix Roco, Michael Pangilinan at Paolo Contis.
“Ang dami nga, grabe! Mga kaibigan ko pa yung iba du’n at mga katrabaho pa. Basta ang sa akin lang, be smart, I guess.
“Matagal na ‘yan, e. Matagal na matagal na ‘yan, e. Nauso ulit,” sabi ni Jake.
May nagtanong naman kung hindi ba siya nakiuso sa trend na ito? “Buti nga, e. Hindi, loko lang, loko lang! For me, confident ako na (wala). Kasi nadala na ako nung nakita ko pa lang dun sa States, e.
“Sa i-Cloud, nagkalat yung mga artista yung mga bold na ano, so, du’n pa lang, parang naano na ako. At saka that’s not my thing. Never kong naging fetish yun. Hindi ko naging fetish yun, e.
“Ang hirap, e, kapag artista ka, di ba? Mas nakakatakot. Pero nagdududa ako, paano lumalabas lahat ‘to? Kasi napag-uusapan namin, puwera biro, napag-usapan namin sa set (ng seryeng Pasion de Amor) kung paanong lumabas lahat ‘to,” sabi ni Jake.
Never din daw niyang sinubukan ang makipag-cybersex, “So, wala talaga, e. Ako, I’m confident ‘coz I’ve never done it. I’ve never tried it.”
Samantala, kahit na raw naghiwalay na sila ng kanyang American girlfriend na si Sarah Grace Kelly, magkaibigan pa rin sila. Ani Jake, hindi na-work sa kanila ang long-distance relationship.
“(The breakup) was over the phone. Yun nga malayo kami sa isa’t isa and it’s just something na siguro she had good reason to kasi ang hirap and I have to understand that she’s only 20 and para ipilit yung mga resonsiblilidad na yun sa kanya, I don’t think that was fair. We were together for one year,” kuwento pa ni Jake sa presscon ng ng Guitar Undergarments.
Pag-amin pa ng binata, “Masakit and sinasabi ko naman to my friends, this time I feel really hurt about it and I wish I could’ve worked on it a little bit more. I wish I had more of a fighting chance kasi malayo kami sa isa’t isa eh. But she’s the one to me and kung hindi man kami magkabalikan she’ll always be here. Kasi to me that was the best relationship I’ve ever had.”
Anyway, kilalang underwear model ng Bench si Jake kaya ang tanong sa kanya ng press, bakit bigla siyang lumipat sa Guitar? “Sabi ko nga sa huling fashion show nila, last ko na ‘yun, kasi parang wala na akong pwedeng gawin pa, unless ipakita ko na ‘yung ano ko! Ha-hahaha! Pero maayos naman ang lahat, walang naging problema. I don’t burn bridges naman, e. I just want to try something new.
“Kasi ang nagustuhan ko dito sa Guitar, binigyan nila ako ng chance na gumawa ng sarili kong line of undergarments,” sabi pa ni Jake. In fairness, magaganda ang underwear and t-shirt collection ngayon ng Guitar na may tatak talaga na “JC” short for Jake Cuenca.
Kaya nga tuwang-tuwa ang mga may-ari ng Guitar dahil all-out si Jake bilang bago nilang brand ambassador. Siyempre, nandiyan pa rin ang iba pang celebrity endorsers ng produkto na sina Mike Tan, DJ Durano, Carlos Agassi, Ann Mateo at ang award-winning rap icon na si Gloc 9 na siya ring kumanta ng Guitar jingle na “Guitarero”.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.