12-aanyos nagbigti | Bandera

12-aanyos nagbigti

John Roson - March 15, 2016 - 07:03 PM

batangas
Nasawi ang 12-anyos na dalagita matapos na magbigti sa loob ng kanilang bahay sa Lian, Batangas, iniulat ng pulisya kahapon.

Natagpuan ang dalagita na nakabitin sa lubid na panali ng duyan dakong alas-5:45 ng hapon Sabado, ayon sa ulat ng Batangas provincial police.

Napag-alaman na bago ang insidente ay pinatulog ng dalagita ang kanyang 1-anyos na kapatid na lalaki, at ni-lock ang bahay.

Napadaan sa bahay noon ang kanilang lola at napansing umiiyak ang sanggol kaya tinawag ang isa pang kapatid ng dalagita.

Doon na nakita ng nakababatang babae ang kanyang ate na nakabitin sa lubid ng duyan.

Dinala pa ang dalagita sa ospital pero binawian din ng buhay, at kasalukuyang pinaglalamayan sa punerarya sa isang kalapit na bayan, ayon sa ulat.

Inaalam pa ng mga imbestigador kung anong nagtuylak sa dalagita na mag-suicide.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending