Yeng Constantino naloka sa inasal ng kanyang idol: Ni-real talk ako!

NAKAKALOKA ang naging karanasan ni Yeng Constantino sa isang celebrity na itinuring pa naman niyang idol.
Kanya-kanyang hula ang mga netizens kung sino nga ba ang tinutukoy ni Yeng na tila nambasag sa kanya noong nagsisimula pa lamang siya sa mundo ng showbiz.
Ibinuking ng Pop Rock Royalty ang tungkol sa pambebengga sa kanya ng kilalang personalidad sa panayam sa kanya ng “Ang Walang Kwentang Podcast” hosted by Direk Antoinette Jadaone and Direk JP Habac.
Natanong si Yeng kung meron ba siyang idol na sana’y hindi na lang niya nakilala nang personal dahil sa masamang experience.
“Oo, meron akong nakilala. Kaka-start ko lang noon, kakalabas ko lang ng Pinoy Dream Academy (dating reality talent search ng ABS-CBN kung saan siya nanalo). Nag-guest siya sa ASAP. Todo abang ako sa backstage,” simulang rebelasyon ni Yeng.
“Nu’ng nakita (ko siya, sabi ko) ‘Idol ko po kayo. Sana po maka-collab ko kayo balang araw.’ Tapos sabi niya sa akin ‘Kung darating ‘yun, darating ‘yun. Huwag mong ipipilit,'” ang pag-alala pa ni Yeng.
“Hindi ko makakalimutan ‘yun. Hindi ko alam kung may iba ba siyang ibig sabihin doon. Parang sobrang na-stun ako.
“Parang ‘yung mukha ko, ‘tama ba ‘yung narinig ko?’ Tapos parang nag-zone out ako after. Parang nag-dissociate ako afterwards,” lahad ng singer-actress.
Hindi raw niya inaasahan na ganu’n ang magiging reaksyon ng kanyang idol kaya naman talagang shookt ang peg ng reaction niya.
“Hindi ko in-expect ‘yung answer na ‘yun. Hindi niya ko shinowbiz man lang na parang ‘I hope one day, sana.’ Pinrangka niya ko, ni-real talk niya ako du’n,” natawang chika pa ng Kapamilya star.
Sa kabila ng nangyari, nagkaroon din daw ng chance na magkasama sila sa isang project ng naturang celebrity.
“Kahit ginanu’n niya ako, nag-collab kami. Pero hindi sa bagay na iniisip niyo like in a song, pero sa ibang bagay,” aniya pa.
Sa huling bahagi ng interview, ibinandera ng award-winning singer-songwriter ang mga natutunan niya sa 20 years niya sa showbiz industry.
“Yung tagumpay na meron ka, huwag mong akuin na para bang ikaw lang ang dahilan ng lahat ng magagandang bagay na nangyari.
“It’s always God leading you to be with the right people, right opportunities, even ‘yung songs. At times I feel like hindi ko sinulat ‘yung mga songs na parang talagang totoong binigay at biyaya talaga.
“Even the songs na mga ni-release ko, a lot of those songs are regalo. Hindi rin ‘yung pinakamagaling ‘yung nag-i-stay sa industry. Marami siyang elemento.
“May magaling pero hirap katrabaho. Meron namang magaling pero nasa maling management.
“So marami siyang trabaho at elemento around it. So huwag pumasok sa ulo mo pero pumasok sa heart mo as gratefulness,” pagbabahagi pa ni Yeng.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
