Kaye Abad umiiyak habang nagdarasal sa loob ng CR

Kaye Abad umiiyak habang nagdarasal sa loob ng CR: Relihiyosa ako

Ervin Santiago - July 13, 2026 - 12:45 AM
Kaye Abad umiiyak habang nagdarasal sa loob ng CR: Relihiyosa ako
Kaye Abad at Paul Jake Castillo

MAS nararamdaman ngayon ng aktres na si Kaye Abad ang takot kahit idineklara na ng mga doktor na isa na siyang cancer survivor.

Sa kabila ng tagumpay sa pakikipaglaban niya sa breast cancer, inamin ni Kaye na mas tumindi raw ang napi-feel niyang fear factor. 

Ayon sa aktres, ang karaniwang paniniwala ng mga tao ay kapag sinabi nang cancer-free ang isang pasyente at tapos na ang pinakamahirap niyang laban.

Sa pakikipagkuwentuhan ni Kaye sa kanyang kaibigan at former “Tabing Ilog” co-star na si Paolo Contis, nagpakatotoo si Kaye sa pinagdaraanang health condition.

“Kapag dineclare nang you’re a survivor, parang tapos na, natanggal na, the journey doesn’t end there. Actually, mas ngayon ko na-feel na parang mas takot ako ngayon,” simulang pagbabahagi ng aktres at asawa ni Paul Jake Castillo. 

Patuloy daw siyang sumasailalim sa iba’t ibang medical test at scan para ma-check kung may mga sign ba na bumalik o posibleng kumalat na ang cancer sa iba pang bahagi ng kanyang katawan.

Sa tanong kung may pagkakataon ba na gusto na niyang sumuko habang nakikipaglaban sa breast cancer, “Not an option, because again, I want to see my children grow.” 

Naaalala pa raw niya yung mga araw na nanonood siya sa school programs ng mga anak kung saan talagang pinipigilan daw niya ang maiyak.

“(Iniisip ko) ‘Ito na ‘yung last time na makikita ko sila mag-perform.’

“Binubura ko sa utak ko. Hindi. Kaya lalaban ako!” ani Kaye. “I still want to see my kids grow. I want to be there.”

Naikuwento rin niya na madalas siyang umiiyak habang nagdarasal sa loob ng kanilang banyo, “I pray in the restroom because I pray out loud. I talk to Him. Like a conversation. I cry every time I pray.” 

“Please, I’m very happy with my life right now. I’m very content. Please don’t take me away. I want to see my kids grow,” ang palagi raw niyang dasal kay Lord. 

Aniya pa, “If I don’t make it, I will accept, kung ‘yun ‘yung plano niya sa buhay ko. But then, I wanted to live. So I will do my part.”

Nagdarasal din daw siya kina St. Rita, Santo Niño, at Padre Pio, “Relihiyosa ako, pero ngayon mas grabe ako naging relihiyosa. Naniniwala talaga ako na nandiyan Siya.

“Mahina ako. Iyakin akong tao. Mahina ang loob ko lagi. Konting sugat lang na maliit like inoperahan ako ng maliit lang, grabe ko ‘yan ingat. Kasi takot ako baka bumuka. 

“With this one, nagulat ako sa sarili ko na parang ngayon ang tapang ko. Nakuha pa nga natin mag-joke. Kasi naramdaman ko na ang tapang ko. Binigyan Niya ako ng tapang para lumaban,” saad pa ng aktres.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ito naman ang payo niya sa lahat ng tulad niyang lumalaban sa karamdaman, “Just trust the Lord, don’t question. Kung ano man ang plano niya, just trust Him. Wala naman siyang ibibigay na hindi natin kaya.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending