Tataas ang bayarin sa tubig ngayong Abril matapos namang kapwa ihayag ng Manila Water at Maynilad Water Services Inc. (Maynilad) ang dagdag singil sa tubig.
Sinabi ng Manila Water na aabot sa 11 sentimo kada cubic meter ang itataas nito.
Samantala, sinabi naman ng Maynilad na tataas ng 15 sentimo ang singil ng mga kumukonsumo ng 10 cubic meters o mas mababa pa kada buwan.
Madaragdagan naman ng 57 sentimo ang mga kumukonsumo ng 20 cubic meters kada buwan.
Tataas naman ng P1.17 ang babayaran ng mga customer na kumukonsumo ng 30 cubic meters kada buwan.
Sinabi ng Maynilad na ang dagdag singil sa tubig ay dahil na rin sa pagtaas ng Foreign Currency Differential Adjustment (FCDA) sa ikalawang quarter ng taong 2016.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.