Magiging brgy. captain ba sa October? (2) | Bandera

Magiging brgy. captain ba sa October? (2)

Joseph Greenfield - March 11, 2016 - 03:00 AM

Sulat mula kay Malvar ng Matalava East, Lingayen, Pangasinan
Problema:
1. Sa ngayon po ay nagbabalak akong kumandidato sa darating na barangay elections sa October. Kaya lang independent ako dahil wala kasi akong kinabibilangang partido. Sa palagay n’yo, kahit wala akong partido mananalo kaya ako?
2. At may nakasulat kaya sa aking kapalaran na sa taong ito ng 2016 ay magiging barangay captain ako? January 1, 1970 ang birthday ko.
Umaasa,
Malvar ng Lingayen, Pangasinan
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Capricorn (Illustration 2.) ang nagsasabing bago ka tuluyang magtagumpay sa buhay ay dadaan ka muna sa maraming pagsubok. At ang isa sa mga pagsubok na ito ay ang unang pagkatalo mo sa barangay election. Pero matapos naman ng unang pagkatalo, sa ikalawang pagtakbo bilang punong barangay papalarin ka na.
Numerology:
Ang birth date mong 1 ay nagsasabing ngayon pa lang ay umpisahan mo nang mangampanya o laging maglalabas ng bahay at tumulong sa inyong mga ka-barangay. Makikita mo pagsapit ng araw ng eleksyon, bagamat matatalo ka sa October 2016, sa susunod na barangay elections sa inyong lugar ay tiyak na panalo ka na.
Color Test:
Dilaw o pula ang dalawa sa pinakamapapalad mong kulay. Iyan ang gamitin mong uniporme tuwing mangangampanya ka. Sa ganyang paraan, lalakas ang karisma mo sa mga tao at sa mga botante.
Huling payo at paalala:
Malvar, ayon sa iyong kapalaran, sa darating na barangay elections ay okay lang na kumandidato ka, pero wag mong asahang mananalo ka. Bahagi ng kapalaran mo ang matalo sa unang pagtakbo bilang kapitan ng inyong barangay. Ngunit sa susunod na election, dahil kilala ka na ng mga botante, tiyak ang magaganap sa ikalawang pagtakbo bilang barangay captain sa inyong lugar ay mananaig at magtatagumpay ka na.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending