Mga concert ni young actor nilalangaw, pabagsak na ang career
MISMONG mga show promoters ang nagkukuwento kung gaano kalaki ang ibinagsak ng career ng isang young actor na dati’y sobrang tinitilian ng mga bagets.
Ramdam ‘yun ng mga nagdadala ng mga shows sa malalayong probinsiya, hindi na kumikita ang mga concert ng batang aktor, sobrang laking maningil ng mga humahawak sa kanyang career pero wala namang pakinabang ang mga prodyuser.
Kuwento ng aming source, “Dati talaga, kulang ang tickets para sa mga concert niya, hindi rin siya puwedeng ilagay sa maliit na venue lang, siguradong magkakaroon ng stampede.
“Pero lately, wala nang kumukuha sa kanya, ang mga ginagawa na lang niyang shows sa malalayong probinsiya, e, ‘yung sponsored ng mga products na ine-endorse niya, wala na kasing producers na tumataya para sa mga show-concert niya.
“Tumumal siya, kinabog na talaga siya nu’ng isang young actor na may ka-loveteam din na tulad niya, ‘yun na ang hinihingi ng audience at hindi na si ____ (pangalan ang young actor na mula sa pamilya ng mga artista).
“Sobra naman kasi silang maningil, super-taas ang talent fee niya. Parang ‘yun na ang last show na gagawin niya kung maningil ang kampo niya!” kuwento ng aming surce.
Kailan lang ay dalawang provincial shows ng young actor ang nilangaw, ni hindi niya napangalahati ang venue, umuwing luhaan at lulugu-lugo ang mga producers ng show.
“Wala naman kasing bago sa mga ginagawa niya, kabisado na ng mga tao ang mga kantang ibinibigay niya, ‘yun din kasi ang kinakanta niya kahit saan. Wala nang bago, hindi nag-level-up ang performance niya.
“Kabog na kabog na talaga sila ng ka-loveteam niyang isang loveteam din na mas totoo at walang kaartehan. Kaya nga pati mudra ng bagets, plug din nang plug ng mga shows niya, di ba?
“Waley na kasi, matumal na, kaya Bradly Guevarra, tumbukin mo na kung sino ang bagets na ‘yan!” nakairap pang pagtatapos ng aming impormante.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.