Ai Ai kinukunsensiya ng bashers, sinisisi sa maagang pagkamatay ni Direk Wenn | Bandera

Ai Ai kinukunsensiya ng bashers, sinisisi sa maagang pagkamatay ni Direk Wenn

Cristy Fermin - March 04, 2016 - 03:00 AM

AI AI DELAS ALAS AT WENN DERAMAS

AI AI DELAS ALAS AT WENN DERAMAS

HINDI dapat nagpapaapekto si Ai Ai delas Alas sa mga bashers na wala namang alam tungkol sa lalim ng kanilang pinagsamahan ni Direk Wenn Deramas pero kung makapagkomento ay para bang kilalang-kilala ng mga ito ang dalawa.

Ililibing si Direk Wenn na walang kargo de kunsensiya ang Comedy Concert Queen, alam niya na wala siyang dapat panagutan sa pagpanaw ng direktor, walang kaalam-alam ang mga bashers ng komedyante na nu’ng Enero pa ay nagkaintindihan na sila ng namayapang direktor.

Nu’ng lamay para sa Master Showman na si Kuya Germs ay nagbigay na ng pahayag si Direk Wenn sa isang interview na okey na sila ni Ai Ai at hindi puwedeng tapusin ng isang kontrobersiya lang ang lalim ng kanilang pinagsamahan.

Nakapagtataka lang kung bakit may mga taong nangungunsensiya kay Ai Ai, isa raw siya sa mga dahilan nang maagang pagpanaw ng direktor, kailan pa nagkaroon ng karapatan ang isang tao na husgahan ang kamatayan ng kanyang kapwa?

Sa pagkapanganak pa lang natin ay nakadisenyo na ang ating kapalaran. Diyos lang ang nakakaalam kung hanggang kailan tayo mabubuhay at kung kailan ang takda nating pamamaalam sa mundo.

Walang kahit sinong makapangunguna sa nakatakda na, walang makakokontra du’n, kaya tantanan na sana ng mga walang magawa diyan ang isa sa mga taong pinakamalungkot ngayon sa pamamaalam ni Direk Wenn Deramas.

Makiramay na lang tayo, huwag na nating saksakan pa ng kung anu-anong kuwento ang pamamayapa ni Direk Wenn, lalo na kundi naman natin nasundan ang pagkakaibigan nila ni Ai Ai.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending