Mommy D: Nagbayad ako ng buwis | Bandera

Mommy D: Nagbayad ako ng buwis

- March 02, 2016 - 07:39 PM

IGINIIT kahapon ng ina ni boxing champion at Sarangani Rep. Manny Pacquiao na si Mommy Dionisia Pacquiao sa Court of Tax Appeals na naghain siya ng kanyang income tax return (ITR) para sa 2010.

Sa kanyang pagsalang sa witness stand, iginiit ni Dionisia na nagsumite siya ng ITR, bagamat ang kanyang bookkeeper ang naghanda nito.
“Who filed the ITR?” tanong ni Atty. Katrina Muli ng Bureau of Internal Revenue (BIR).
“Ako,” inisyal na tugon ni Dionisia, bagamat kinlaro ito sa Bisaya sa pagsasabing, “it was my bookkeeper who prepared it because I am not good in English.”
Nagsumite naman si Muli ng sertipikasyon mula sa BIR na walang inihaing ITR si Dionisia noong 2010.
Umakyat si Dionisia sa CTA upang kuwestiyunin ang ginawang tax assessment ng (BIR) Region 18. Umabot ang kanyang tax assessment ng BIR sa P1.6 milyon para sa 2010.
Nagsimula ang imbestigasyon sa posibleng hindi pagbabayad nito ng buwis noong 2013 sa kainitan ng P2.2 bilyong tax evasion case ni Pacquiao.
Iginiit naman ng kanyang mga abogado na walang kinalaman si Dionisia sa kaso ng anak.
Naghain si Pacquiao at asawang si Jinkee ng petisyon sa tax court noong Hulyo 2013 para repasuhin ang kaso.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending