Meralco Bolts nakalimang sunod na panalo | Bandera

Meralco Bolts nakalimang sunod na panalo

Melvin Sarangay - , February 28, 2016 - 08:33 PM

Mga Laro sa Miyerkules
(Ynares Center, Antipolo City)
4:15 p.m. Blackwater vs San Miguel Beer
7 p.m. Mahindra vs Barangay Ginebra

PINALAWIG ng Meralco Bolts ang kanilang walang talong arangkada sa limang laro matapos talunin ang Globalport Batang Pier, 96-88, sa kanilang 2016 Oppo PBA Commissioner’s Cup elimination round game kahapon sa Smart Araneta Coliseum sa Cubao, Quezon City.

Nagposte si Meralco import Arinze Onuaku ng double-double sa itinalang 13 puntos at 14 rebounds na nilakipan pa niya ng limang assists at apat na shotblocks habang si Jared Dillinger ay nagdagdag ng 17 puntos at limang rebounds sa 22 minutong paglalaro mula sa bench para sa Bolts.

Binantayan din ng husto ng Bolts si Batang Pier guard Terrence Romeo na umiskor ng 18 puntos mula sa 4-of-14  field goal shooting.

Gumawa naman si Calvin Warner ng 29 puntos at 19 rebounds para pangunahan ang Globalport na nakatikim ng ikalawang sunod na pagkatalo at nahulog sa 2-3 kartada.

Sa ikalawang laro, pinayuko  ng Barangay Ginebra Kings ang Star Hotshots, 92-87.

Pinangunahan ni Othyus Jeffers ang Barangay Ginebra sa ginawang 23 puntos.

Sina Japeth Aguilar, Greg Slaughter at L.A. Tenorio  ay nag-ambag ng 15, 14 at 12 puntos para sa Gin Kings na umangat sa 2-2 karta.

Kumana si Mark Barroca ng 16 puntos habang si Denzel Bowles ay may 15 puntos para pangunahan ang Hotshots na nalaglag sa 1-4 kartada.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending