Alden-Maine unti-unti nang nawawasak; kailangang solusyunan agad ng AlDub nation | Bandera

Alden-Maine unti-unti nang nawawasak; kailangang solusyunan agad ng AlDub nation

Cristy Fermin - February 29, 2016 - 12:01 AM

maine mendoza

Kapag hindi agad nasolusyunan ang pagpapaksiyun-paksiyon ng mga tagahanga nina Alden Richards at Maine Mendoza ay siguradong sa pagkawasak mauuwi ang tambalang ito.

Ramdam na ang pagbubuo ng kani-kanyang grupo ng mga tagasuporta ng AlDub, may kumakampi kay Alden, may mga nagtatanggol naman kay Maine.

Aminin natin na nabulabog ang grupo sa pag-entra sa eksena ni Derrick Monasterio na ayon sa ibang mga fans ng AlDub ay nandiyan pa rin naman at patuloy na nakikipagkomunikasyon kay Maine.

Masama nga ang loob ng iba nilang tagahanga dahil hindi pa rin daw tumitigil si Maine sa pakikipag-text kay Derrick, sana raw naman ay alagaan ng dalaga ang kanilang loveteam ni Alden, tutal naman ay pareho silang nakikinabang sa kanilang tambalan.

Ang ikatatagal at ikasisira ng loveteam na ito ay magmumula kina Alden at Maine mismo. Kapag nakaramdam ang kanilang mga tagasuporta na ibang tao naman pala ang kanilang pinagkakaabalahan ay bibitiw ng pagsuporta sa kanila ang AlDub Nation.

At kapag nawala ang kanilang mga loyalista ay saka lang mararamdaman nina Alden at Maine na balewala na pala ang mga ginagawa nilang pagpapakilig sa publiko. Wala na silang dating, wala nang naaaliw sa kanila, hanggang sa mabuwag na ang kanilang loveteam.

Sayang naman kung sa ganu’n lang mauuwi ang penomenal nilang tambalan, sayang na sayang, dahil hindi ipinanganganak sa araw-araw ang mga tulad nila na minahal ng buong bayan.

Sayang na sayang. Habang maaga pa ay masolusyunan na sana ang mga hinaing ng mga miyembro ng AlDub Nation.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending