Ayaw pang ibigay ang pagkababae (2) | Bandera

Ayaw pang ibigay ang pagkababae (2)

Joseph Greenfield - February 28, 2016 - 03:00 AM

Sulat mula kay Jasmin ng Poblacion II, Obrero, Butuan City
Problema:

1. Nitong nakaraang February 14 ay one year na ang relasyon namin ng boyfriend ko at nitong last date namin, pinipilit nya akong ibigay ko na raw ang pagkababae ko sa kanya. Pero hindi ako pumayag kaya nagkatampuhan kami. Ang iginigiit nya sa akin kung talagang mahal ko daw siya dapat daw ipagkaloob ko na ang pagkababae ko sa kanya. At mula ng magkatampuhan kami, hindi na siya nagte-text at tumatawag sa akin.
2. Itatanong ko lang kung magkakabalikan pa ba kami at kung sakaling magkabalikan na kami dapat ko na bang ibigay na sa kanya ang aking pagkababae at kung ang boyfriend ko na bang ito ang makakatuluyan ko at makakasama habang buhay? October 13, 1992 ang birthday ko at February 1, 1990 naman ang boyfriend ko.
Umaasa,
Jasmin ng Obrero,  Butuan City
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Libra (Illustration 2.) ang nagsasabing tugma at compatible naman kayo ng boyfriend mong Aquarius, dahil ang Aquarius at Libra ay may iisang elementong tinataglay – ang elementong hangin o air.
Numerology:
Ang birth date mong 13 ay nagsasabing bukod sa katugma mo sa Astrology ang kasalukuyan mong boyfriend, ang birth date niyang 1, ay nagkataong katugma din nga ng birth date mong 13, sapagkat ang 13 at 1 ay kapwa pinaghaharian ng planetang “Uranus-Sun.”
Graphology:
Ang lagda mong malinaw, at hindi naman nababoy, ay nagsasabing wala namang negatibong karanasan sa pag-ibig at sa pakikipag-relasyong magaganap sa iyong karanasan. Kung saan, tulad ng naipaliwanag na happy ending pa rin ang iyong magiging karanasan sa larangan ng love life.
Huling payo at paalala:
Jasmin wala namang magiging problem kung ibibigay mo ba o hindi ang iyong pagkababae sa iyong boyfriend. Dahil sa bandang huli, ayon sa iyong kapalaran, kayo na nga ang magkakatuluyan. Ganoon pa man, dahil ang kultura sa ating bansa ay nagpapahalaga sa virginity at pagiging malinis ng babae bago ikasal, dapat na wag mo pa ring ibigay sa boyfriend mo ang iyong pagkababae, hangga’t hindi pa kayo nakakasal. Sa ganoong paraan, ipinagkaloob mo sa kanya sa tamang panahon ang iyong pagkababae, sa panahong kayo ay mag-asawa na, mas makatitiytak ng isang mas maunlad, mas maligaya at pang habang buhay ng pagpapamilya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending