Phillip tuloy sa pagtakbong vice-governor kahit diniskwalipika ng korte | Bandera

Phillip tuloy sa pagtakbong vice-governor kahit diniskwalipika ng korte

Alex Brosas - February 27, 2016 - 02:00 AM

philip salvador

Tuloy pa rin si Phillip Salvador sa kanyang kandidatura bilang bise gobernador ng Bulacan. “Ako, tuloy lang ang laban ko. As a matter of fact, lahat ng puntahan ko I have to explain na I’m still in the running.

I am not going anywhere. I am fighting this fight and I will give a good fight,” chika ni Phillip sa amin matapos lumabas ang desisyon ng court favoring a petition for exclusion sa kanyang kandidatura.

Kumalat kasi sa Bulacan na disqualified na siya, eh, hindi pa naman final ang executory ang decision. So, ano ang reaction ng mga tao sa Bulacan? “’Bakit tayo pinupuntahan dito at sasabihin nila disqualified ka na?’ Eto naman po kayo ngayon.

Hindi po basta-basta binigyan ako ng reversal decision ng RTC ay tapos na ang laban. Hindi po ganoon ‘yan. Magpupunta tayo ng court of appeals, magpupunta tayo ng Supreme Court. “At tandaan nila, sinasabi ko sa kanila na puwede nilang i-check sa Comelec, i-confirm nila kung nandoon ang pangalan ko sa list. Number two po ako.”

This is something that Phillip has expected as “you all know, I am a Christian so I always pray for whatever is gonna come. I always ask for covering and I’m giving it all up to Him. The mere fact na this time ay nakapag-file ako ng candidacy ko ay nandiyan na ang blessing niya sa akin.

Sigurado na binigay Niya sa akin ang blessing.” “I guess kinailangan kong maging preparado sa lahat ng pagdadaanan ko. Na andito na ako talaga at lumalaban. Bale ‘yung disqualification case po ay pending pa po ‘yon before the Comelec.

If I am not mistaken, kaka-submit lang sa Comelec for resolution,” sabi ni Phillip.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending