Simula na ng ‘Hudasan’ | Bandera

Simula na ng ‘Hudasan’

Den Macaranas - February 26, 2016 - 03:00 AM

ILANG linggo na lang at pipindutin na ng isang makapangyarihang political party ang kanilang panic button.

Kahit ano kasi ang kanilang gawing diskarte ay laylay pa rin sa mga surveys ang kanilang pangunahing mga manok sa eleksyon.

Ang malungkot dito, pati sa kanilang sariling surveys ay hindi gumagalaw ang halos ay kulelat nilang mga pambato.

Since hindi pwedeng galawin ang kanilang presidential bet, ang kanilang kandidato sa pagka vice-president ang tila maisasakripisyo.

Isang lider ng naturang political party ang nagsimula ng ideya na manghudas sa kanilang “number 2” na pambato.

Sinabi ng opisyal na ito na kailangan na nilang ipatupad ang “Plan B”.

Kahit daw hindi nakuha ang pagka-pangulo at least on the minimum ay kanila dapat ang vice-president para kahit paano ay may pang-depensa sila sa mga future legal problems na kanilang kakaharapin.

Kilalang galing sa lahi ng mga Hudas (excuse my words) ang pulitikong ito mula pa noong panahon ng kanyang lolo.

Siya ang nagsabi na dapat na silang mag-reach out sa isang llamadong vice-presidential bet dahil kung hindi ay baka manalo sa mas mataas na pwesto ang isang kandidatong mortal enemy ang tingin ng Pangulo.

Si Mr. Party official din ang nag-utos na medyo tipirin muna ang budget para sa kanilang number 2 bagay na kaagad naramdaman ng mga tauhan ng kandidato.

Hindi ko alam bakit ganito ang pagtrato nila sa kanilang kandidato kung saan pati ang ilang political observers ay naaawa na sa taong ito.

Lahat ay kanilang gagawin para lang maisalba ang kani-kanilang mga interes.

Ang sinasabing utak ng Plan B option para maisalba ang kani-kanilang mga sarili ay si Mr. E….as in Ewan ko basta nagmana siya sa lolo nya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

May komento o reaksyon? I-text sa 09178052374 o kaya ay mag-email sa [email protected]

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending