Makapag-aabroad na ba ngayong 2016? (2) | Bandera

Makapag-aabroad na ba ngayong 2016? (2)

Joseph Greenfield - February 26, 2016 - 03:00 AM

Sulat mula kay Cathy ng Atalava East, Lingayen, Pangasinan
Problema:
1. Taong 2014 ay nahiway po akong sa aking asawa dahil nambabae siya. Mula noon ay ako na ang bumubuhay mag-isa sa dalawang anak namin na isang six-years-old at isang four-years-old. Namasukan akong katulong at labandera pero mahirap pa rin ang buhay at lagi pa rin kaming kinakapos.
2. Kaya naman nag-try ako na mag-aplay sa abroad para mabigyan ko ng magandang kinabukasan ang aking mga anak. Itatanong ko lang po kung may pag-asa kaya akong matutuloy na makapangibang-bansa sa taong ito ng 2016? May 8, 1988 ang birthday ko.
Umaasa,
Cathy Lingayen, Pangasinan
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Taurus (Illustration 2.) ang nagsasabing sa tulong ng isang kaibigang Virgo ay mabilis ang magaganap. Sa buwan ng Mayo hanggang Agosto sa kasalukuyang taon ay may isang mabunga at mabiyayang pangingibang-bansang itatala sa iyong kapalaran.
Numerology:
Ang birth date mong 8 ay nagsasabing pagkatapos ng mga mga pagsubok at grabeng paghihirap sa buhay, makakaahon ka rin sa kalungkutan. Ito ay sa tulong ng isang lalaking may birth date na 14 o kaya’y 23. Ang nasabing lalaki ang magbibigay sa iyo ng pag-unlad, pagyaman at ng labis na kaligayahan.
Luscher Color Test:
Lagi kang gumamit ng kulay na red at green. Ang nasabing mga kulay ang magbibigay sa iyo ng suwerte at marami pang magagandang kapalaran.
Huling payo at paalala:
Cathy, ayon sa iyong kapalaran, sa tulong ng nasabing lalaki ay matatapos na rin ang iyong mga paghihirap. Ito ay magsisimula sa taong ito. Sa buwan ng Mayo o kaya’y Agosto, sa edad mong 28 pataas, ay may isang mabunga at mabiyayang pag-aabroad na itatala sa iyong kapalaran.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending