Lovi Poe naalarma sa Twitter account niya na puro kabastusan ang laman
NAALARMA na ang Kapuso actress na si Lovi Poe dahil sa mga ginagawang kabastusan ng isang poser niya sa Twitter dahil inaakala ng marami na siya nga ito.
Dahil dito, humingi na ng tulong si Lovi sa management ng Twitter upang maturuan ng leksyon ang kaniyang poser na nagkakalat ng kabastusan at animal cruelty sa nasabing social media platform.
Ayon sa aktres-singer, nahihirapan siyang ipatanggal ang naturang pekeng account na @Lovi_Poe dahil mas marami pa ang followers nito (2 million) kumpara sa totoong account niyang @lovipoe na may 1.3 milyong followers lamang.
Ginagaya pa ng naturang account ang display picture ni Lovi sa kaniyang totoong account.
“Dear @twitter, that person/account (@Lovi_Poe) is not only posting pornographic things but is also posting/doing bad things to animals!” ang galit na galit na tweet ni Lovi.
Nakiusap din ang anak ni Da King Fernando Poe, Jr. sa kaniyang mga follower na i-report sa Twitter ang nasabing fake na account.
Kasalukuyan namang naghahanda si Lovi na sumabak sa kampanya para sa kaniyang ate Grace Poe at asawa ng BFF niyang si Heart Evangelista na si Sen. Chiz Escudero.
Nauna nang pumunta si Heart sa Cabanatuan City at Davao City upang ikampanya ang “Partido Galing at Puso” ni Grace at Chiz. Ayon kay Lovi excited na rin siyang malibot ang Pilipinas kasama ang kanyang ate pati na rin sina Lovi at Heart.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.